Gusto ko na umayaw.

Sobrang hirap kung ako nalang ba lagi iitindi sa kanya feeling ko napa ka irresponsible nya . ika - 38w1d ko na advice ng ob ko mag lakad lakad na daw ako sinabi ko naman na sa LP Ko un pero wala man lng pag kukusa gumising ng maaga sisihin pa ko bkit hindi ko daw sya ginising . sa buong journey ng pregnancy ko wala man lang ako nakitaan sa kanya ng pag ka excite or tulad ng ibang daddy pakiramdam ko wala talaga sya pakielam sa amin / akin . ang dahilan nya sakin stress daw sya lagi. any advice nmn po kung makikipag hiwalay or separate muna kmi pag na nganak na ako nakatira po kse ako now sa inlaw ko pakiramdam ko din nmn gnun pa din kme pag nanganak na ko .

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naalala ko nung nagbubuntis ako sa panganay ko, walang pakialam sa akin asawa ko. Nakukuha nya pang makipag inuman sa mga barkada nya habang ako nasa bahay lang mag isa tapos uuwi sya madaling araw na. Kapag umaalis kami, hindi nya manlang ako inaalalayan. Pag naglalakad kami palagi syang nauuna sa paglalakad. Kahit sa pagsakay sakay sa jeep di ko naranasan na alalayan nya ko. Sa pagbubuhat ng timbang may tubig di nya ko tinutulungan kahit ang laki na ng tiyan ko. Palagi nalang akong umiiyak nun. Pero natiis ko lahat yun. Hanggang sa nanganak ako. Nag iba ihip ng hangin ng makita nya anak namin. Bigla syang nagbago. Halos di na nya kami maiwan sa bahay namin. Kung pwede nga lang di na sya magtrabaho makasama nya lang kami. Try mo lang din momsh baka pag nakita nya na si baby nyo magbago din sya ☺️

Magbasa pa