Kung may ftm na hindi alam ang gagawin, may ftd din. Yung asawa ko sa first pregnancy ko ganyan din. Akala ko wala syang pakeelam sakin. Hindi sya gumigising pag ginigising ko sya ng madaling araw kapag may masakit sakin. Hindi nya ako naiintindihan sa mga kaartehan ko pag emotional ako. Yun pala stress din sya. Stress sya kakaisip kung paano mairaraos yung panganganak ko lalo sa financial needs namin. Hindi ko alam na may sideline pa sya para madagdagan yung pera namin. Maganda ang work ng husband ko, supervisor sa law company pero kinakapos parin pala kami hindi nya lang pinapaalam. Pagod pala sya physically and mentally kaya hindi nya ako maasikaso minsan.
Kailangan inaalam din natin yung kalagayan ng asawa/partner natin. Madalas kasi puro assumptions lang ang meron tayo at wala tayong alam sa nararamdaman nila kasi nga naka focus tayo sa pagbubuntis natin. Now sa 2nd pregnancy ko napansin kong may malaking pagbabago. Alam nya na lahat ng dapat gawin kasi napagdaanan na namin.
Wag hiwalayan ang unang isipin nyo kapag nahirapan kayo sa relasyon. Unahin natin palagi yung para sa anak natin. Baka kasi mahal naman kayo ng partner mo pero hindi nya lang ma show pa or hindi nya pa alam kung paano ipapakita. Malalaman mo naman kung mahalaga kayo pagka labas ng baby nyo. Magusap lang kayo palagi. Mahalaga ang communication sa relasyon. And always ask God for guidance. 😘
Magbasa pa