Nalaglag na baby

Maglalabas lang ng mom guilt mga mommies, feeling ko sasabog ako kakaisip. 😭😭 Kagabi mga between 7-8pm, iidlip sana ako para sa shift kong 10pm. Yung 6months old baby ko itinabi sakin ng husband ko at nagugutom daw, so okay breastfeed tapos nakatulog kaming dalawa. Maya maya nagloloko at nagising naghahanap ng hele yata kasi ayaw na po nya dumede, so ako naman si antok sabi ko ilalabas ko at may pasok pa ko ng 10pm need ko ng lakas para sa 10pm na pasok so ipasa ko muna sana either kay mama ko o husband. kaso si mama nagpapakain ng ibang anak ko, mom of 4 na po ako and wfh. Si husband po nasa cr naliligo. Dahil antok ako, at wala sa sarili pinasok ko ulit baby ko sa kwarto buhat ko sya at humiga kami ulit. alam ko safe yung pinaghigaan ko sakanya sa gilid.. Then BOOM!!! narinig ko nalang yung galabog nya sa sahig namin! nalaglag sya at umiiyak! 😭😭 Nakaidlip ako diko alam na gumulong na pala sya! ang tibok ng puso ko nung mga oras na yun at ang yapos ko sakanya at pag sigaw ko, hindi ko alam pano mawawala yung sakit na naramdaman nya at pagsisisi ko na sana hindi ako patulog tulog edi sana hindi sya nalaglag. walang bukol, walang namula, umiiyak lang po talaga sya na parang gutom. hinele hele ko at habang umiiyak sya umiiyak din ako tumutulo luha ko. pumasok mama ko at sinabihan akong tanga tanga ko daw tapos kinukukuha baby ko sakin, hindi ko binigay na parang bata at niyakap ko lang ng niyakap anak ko at nag sosorry ako sakanya ng sobra. Pumasok ang husband ko at sabi nya rinig na rinig daw sa cr yung paglagabag sa sahig ng baby namin. sobrang sisi ko mga mommies. pakiramdam ko wala akong kwentang Ina, wala akong karapatang maging Nanay knowing na pang 4 na to. Sobrang sisi ko sa ilang minuto na pagkapikit ko biglang ganun nalang nangyari. Sino dito naka experience nalaglag baby nila sa kama sa sahig pa mismo. 6 months old palang po baby ko 😭😭

Nalaglag na baby
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

me, lately lng wla pa yatang one week ung pangatlong hulog nya jusmiyo. hilig ng anak ko tumambling kaya ngaun gngwa ko dinadala ko nlng kht nasan ako at dun ko sya pauupuin kng san ako nagawa para kta ko sya nkakaupo nman na sya kse 8months nrn, nkakakaba dn kse sa tuwing nahuhulog tas lagabog nlng maririnig ko sabay iyak. pero sken kse naniniwala ako na once hnd mo nkta ang pangyayari safe cla kse my anghel clang nagbabantay, sa awa ng diyos sa 3x na un na nhulog at nauntog sa sahig nmen iyak lng sya pero wala nmn hnd magnda akong nakkta na dhilan ng pagkahulog nya. as of now sobrang kulit parang wala lng..😊 hnd tlga yata mabubuo childhood nla ng hnd nila nrrnsan ang mahulog at mabagok o mauntog pero bsta next time ingat nlng mamsh.β€οΈπŸ€—

Magbasa pa
Related Articles