Nalaglag na baby

Maglalabas lang ng mom guilt mga mommies, feeling ko sasabog ako kakaisip. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Kagabi mga between 7-8pm, iidlip sana ako para sa shift kong 10pm. Yung 6months old baby ko itinabi sakin ng husband ko at nagugutom daw, so okay breastfeed tapos nakatulog kaming dalawa. Maya maya nagloloko at nagising naghahanap ng hele yata kasi ayaw na po nya dumede, so ako naman si antok sabi ko ilalabas ko at may pasok pa ko ng 10pm need ko ng lakas para sa 10pm na pasok so ipasa ko muna sana either kay mama ko o husband. kaso si mama nagpapakain ng ibang anak ko, mom of 4 na po ako and wfh. Si husband po nasa cr naliligo. Dahil antok ako, at wala sa sarili pinasok ko ulit baby ko sa kwarto buhat ko sya at humiga kami ulit. alam ko safe yung pinaghigaan ko sakanya sa gilid.. Then BOOM!!! narinig ko nalang yung galabog nya sa sahig namin! nalaglag sya at umiiyak! ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Nakaidlip ako diko alam na gumulong na pala sya! ang tibok ng puso ko nung mga oras na yun at ang yapos ko sakanya at pag sigaw ko, hindi ko alam pano mawawala yung sakit na naramdaman nya at pagsisisi ko na sana hindi ako patulog tulog edi sana hindi sya nalaglag. walang bukol, walang namula, umiiyak lang po talaga sya na parang gutom. hinele hele ko at habang umiiyak sya umiiyak din ako tumutulo luha ko. pumasok mama ko at sinabihan akong tanga tanga ko daw tapos kinukukuha baby ko sakin, hindi ko binigay na parang bata at niyakap ko lang ng niyakap anak ko at nag sosorry ako sakanya ng sobra. Pumasok ang husband ko at sabi nya rinig na rinig daw sa cr yung paglagabag sa sahig ng baby namin. sobrang sisi ko mga mommies. pakiramdam ko wala akong kwentang Ina, wala akong karapatang maging Nanay knowing na pang 4 na to. Sobrang sisi ko sa ilang minuto na pagkapikit ko biglang ganun nalang nangyari. Sino dito naka experience nalaglag baby nila sa kama sa sahig pa mismo. 6 months old palang po baby ko ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

Nalaglag na baby
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

basta nauntog si baby huwag na huwag muna po patutulugin.. kasi meron akong pamangkin na nalaglag din sa kama.. ginawa nila pinadede at pinatulog then after one week turning 1 year old masama na pakiramdam ng bata after 3 days ng birthday namatay.. yun pala namaga na yung utak.. last year lang yun nangyari..

Magbasa pa
4y ago

yes po.. yung ang nakitang findings ng doctor kaya namaga utak ng nephew ko.. after kasi non pagkabaldog mga 2 days kasi nagsuka then nag tae kala nila baka may nakain lang at di natunawan tapos non kinabukasan din naman nawala tapos nung birthday nilagnat ang bata nag seizure tinakbo nila sa hospital non una suspected covid dahil symptoms daw ng covid yun mga nangyari sa bata then sinwab lumabas naman result neagative kaya non tinanong ng doctor if nabaldog daw ba ang bata sinabi nga nila na ganon kasi tinest lahat ok then non sinabi na nabaldog pina ct scan nakita nga na namaga na utak kaya namatay..

Cheer up po. Even though I am a first time mom and currently pregnant, I had encounter my sister na madalas niyang nababagsak baby niya. To the point na suki na ng bukol yung ulo niya, pero ngayon as she grows okay naman siya.

same here taz as if nman na hindi ka Ina nung anak mo kung anu-anu sinabi hindi q naman sinadya n ihulog ang baby q .. ilang araw dn before naka move on sa pagkahulog ng baby q .. buti meron si Iyak na kakampi๐Ÿ˜๐Ÿ˜ญ

Okay lang yan mamsh di mo naman sadya ee. tsaka wala namang may gustong mangyari yun. hirap talaga pag working mom buti na lang at di na pano si baby. wag ka na po maguilt. cheer up mamsh!

same sa sister ko pero ung pamangkin ko nun is 4mons old pa lang ngkabukol pero awa ng diyos ok nman sya almost 3 na sya ngaun๐Ÿ˜…

Hindi mo naman po sinadya at ginusto mommy ๐Ÿ˜ข Pagod ka din at antok ๐Ÿ˜ข Kumusta na po baby mo? pinacheck up nyo po ba?

nakakalungkot alam ko yung pagod at pagmamahal mo sa baby mo. sana okay lang sya ๐Ÿ’Ÿ๐Ÿ’Ÿ

VIP Member

Hugs mommy, we understand po. tao lang po tayo at napapagod din.

VIP Member

Mahirap Talaga momsh.. pacheck up nyo na Lng din po..

VIP Member

Pa check up mo momshie, sana maging OK lng sya..

Related Articles