Nalaglag na baby

Maglalabas lang ng mom guilt mga mommies, feeling ko sasabog ako kakaisip. 😭😭 Kagabi mga between 7-8pm, iidlip sana ako para sa shift kong 10pm. Yung 6months old baby ko itinabi sakin ng husband ko at nagugutom daw, so okay breastfeed tapos nakatulog kaming dalawa. Maya maya nagloloko at nagising naghahanap ng hele yata kasi ayaw na po nya dumede, so ako naman si antok sabi ko ilalabas ko at may pasok pa ko ng 10pm need ko ng lakas para sa 10pm na pasok so ipasa ko muna sana either kay mama ko o husband. kaso si mama nagpapakain ng ibang anak ko, mom of 4 na po ako and wfh. Si husband po nasa cr naliligo. Dahil antok ako, at wala sa sarili pinasok ko ulit baby ko sa kwarto buhat ko sya at humiga kami ulit. alam ko safe yung pinaghigaan ko sakanya sa gilid.. Then BOOM!!! narinig ko nalang yung galabog nya sa sahig namin! nalaglag sya at umiiyak! 😭😭 Nakaidlip ako diko alam na gumulong na pala sya! ang tibok ng puso ko nung mga oras na yun at ang yapos ko sakanya at pag sigaw ko, hindi ko alam pano mawawala yung sakit na naramdaman nya at pagsisisi ko na sana hindi ako patulog tulog edi sana hindi sya nalaglag. walang bukol, walang namula, umiiyak lang po talaga sya na parang gutom. hinele hele ko at habang umiiyak sya umiiyak din ako tumutulo luha ko. pumasok mama ko at sinabihan akong tanga tanga ko daw tapos kinukukuha baby ko sakin, hindi ko binigay na parang bata at niyakap ko lang ng niyakap anak ko at nag sosorry ako sakanya ng sobra. Pumasok ang husband ko at sabi nya rinig na rinig daw sa cr yung paglagabag sa sahig ng baby namin. sobrang sisi ko mga mommies. pakiramdam ko wala akong kwentang Ina, wala akong karapatang maging Nanay knowing na pang 4 na to. Sobrang sisi ko sa ilang minuto na pagkapikit ko biglang ganun nalang nangyari. Sino dito naka experience nalaglag baby nila sa kama sa sahig pa mismo. 6 months old palang po baby ko 😭😭

Nalaglag na baby
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

walang may gusto ng nangyari mamsh, apat na din anak ko at aminin ko dahil kami lang mag iina sa bahay minsan talaga dumarating yung oras na sobrang antok at di din maiwasan malaglag ng bata. Gawin mo na lang mamsh bili ka na lang foam para pag kaantukan sa sahig mo ilatag para don kayo makatulog less hulog sa mataas na lugar or lagyan mo harang higaan nyo. Mapagod talaga nasa bahay plus kayo po naka wfh pa. Obserbahan nyo na lang si baby mamsh for 48 hours like pagsusuka sobrang antukin nahihilo ganun madala nyo agad sa hospital. Okay lang yan mamsh pare pareho tayo dito ina at naiintindihan ko sitwasyon mo. ingat palagi

Magbasa pa
Related Articles