Anong ulam natin?

Bakit kaya ang pag-iisip ng ulam ang isa sa pinaka mahirap sating mga momshie? ? Ano ulam nyo mamaya?

69 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

haha. .relate much po. .araw araw mg iisip ka ng ulam. . lalo na kung maarte sa pgkain mga kasama mo. . ok lng sana kung unlimited ang pera. syempre mg iisip ng ulam yung kasya sa budget. .kaya everyday problem q yan.kung anu uulamin😀😀. .ngayon wla pang maisip na ulam mamaya😀

Yan ang pinka ka challenging part of being a wife and a mother. Married but wla pa kaming anak but para sa akin ang pagluluto ang pinaka magandang moment of being a wife lalo na pag nasasarapan ang hubby ko sa mga luto ko. Happy wife here. ❤️ God bless po mga momsh!

ano ulam pwde pa Kain sa mga Bata KC Hindi masyado po Kuma Kain anak ko kahit na ma pa sinigang or gulay at adobo ayaw nya kumain gusto nya lang Jollibee at kmain lang nang manok ayaw nya mag kanin kunte lang kna Kain nya

nako, sobrang hirap mag isip lagi. Minsan tuloy napapabili nalang kami ng lutong ulam sa labas . kung ano nalang meron, dalawa lang naman kami ng partner ko.

True yan sis. Kahit ano nalang ang maisipang pwedeng lutuin. Minsan kasi ang mga kids ko nakakain na sa labas bago umuwi ng bahay.

Sa amin usually fish or gulay kapag weekdays mga lutong bahay but we also prepare meat dish kapag weekend at kumpleto ang family :)

VIP Member

true,kahit di ako ang nagluluto,parang sakin nakabase kung ano dapat ulamin 🙁 pero lagi ko lang sagot...kahit ano HAHAHA

Hindi ako marunong magluto. Request request lang pero minsan nga ang hirap magisip kung anong gustong kainin. :D

VIP Member

Sinigang na pork... pero mag aadd ako ng mashed potato at mixed buttered corn carrot baguio beans sayote

VIP Member

nagbukas na nga lang kami ng de lata eh tinatamad kami buy sa labas di kami nakapamalengke heheh

5y ago

Pinakamadaling solusyon mamsh. Magkatay ng baka(corn beef) hahaha