Worried mommy
Hi po, Ask ko lang po kayo pano po ba mapanatilihing healthy si baby sa tummy? ? Lalo na yung pag develope nya now. nagwoworried kase ko feeling ko di ko sya naaalagaan ng maayos. Nagwowork din kase ako and di pa alam sa work ko. 21weeks and 5days na po preggy. And First time mom po Thanks po sa mga sagot. ?

1. Wag masyadong magpakastress. Kung pwede or kung gusto mo, let your workmates know na buntis ka para masupport ka nila and mabawasan or mapagaan workload mo. 2. Monthly check ups, importante 'to. Maraming nagtetake for granted ng monthly check up dahil "feeling nila okay naman lahat" sa pagbubuntis nila. Pero mas magandang namomonitor ng OB mo yung development ni baby. Preferrably, dun ka magpacheck up kung saan mo planong manganak. 3. Eat healthy. Iwasan mo muna junk foods and fast food. 4. Take your vitamins. Folic acid kapag 4 months pa lang, then dadagdagan yan ng Ob mo ng ferous sulfate. Vitamin D. Calcium. Anddd Vitamin C for immunity since ang daming echos na sakit na lumalabas ngayon. 5. Wear comfy clothes. Wag mo i-stress yung katawan mo sa masisikip na damit, mahirap. I also suggest na mag plus one size ka sa undergarments mo dahil may point na uncomfortable na magsuot ng bra dahil masakit sa breast. 6. Vaccines. I-rerecommend ka ng doctor mo for vaccines para sayo and kay baby. Libre sa brgy health centers yung basic vaccines for preggies. 7. Enjoy. Don't panic, maraming changes, may kaunting pains and hormonal changes dahil buntis ka pero don't panic. Ang sabi ng Ob ko saken, kapag tolerable and saglit lang yung pain, normal naman yun. Unless kung tuloy tuloy and sobrang paulit-ulit na. Always consult your OB, kunin mo number niya if pwede para one call away lang siya. ☺️
Magbasa pa



Dreaming of becoming a parent