Best hospital recommendations
Saan ospital magandang manganak? I-recommend ang iyong ospital sa ibang moms. ☺️


For me nag private hospital ako sa 1st baby ko. Sobrang nahirapan ako kasi di man pinutok panubigan ko umabot na ako ilang araw. Di ko alam kung pinapalaki lang ba nila yung bill namin tas yung pagkain di masarap ang dry pa pero di naman ako pwede kumain at uminom man lang ng tubig. Mag 3days akong di kumain at walang inom kasi bawal daw. At 36hrs akong di natulog straight bago nila ako ininject ng pampatulog nakailang pampahilab na rin ininject sa dextrose ko kaya laki ng bill. Di ko alam kung hinhintay nalang ba nilang sabihin ko na i-cs nalang ako. Pero yung midwife sa brgy namin tumawag at nagtaka bat di pa daw ako nanganganak. Ilang araw na akong naglilabor. Kaya sabi nya pupuntahan nya ako puputukin nya panubigan ko tapos hintayin muna namin syang makalabas bago kami tumawag ng nurse na pumutok na panubigan ko tas yun nung pumutok na saka palang ako dinala sa ER tas saka nakaraos. Kaya sa 2nd baby ko sabi ko sa kanya nalang ako manganganak. Tas yun sa center lang ako nanganak kompleto naman sya ng gamit parang lying in style lang maganda yung kwarto makakasama ko pa hubby at mil ko sa loob (vinivideo pa nga ako habang nanganganak) tas solo kwarto din tas tinuturuan ako umire. Pagfeeling kong natatae ako kasabay ng paghilab iire ko daw pero pag di naman ako natatae at hilab lang wag daw akong umire tas tinuruan nya ako paano mag inhale at exhale. Kaya ayon 5hrs lang ako naglabor.
Magbasa pa