Tama pa ba itong desisyon ko?

Hi sissies and mamshies! I just wanna share this to you also to spread awareness of obssession. Kaninang umaga nag pt ako kase 10 days nakong delayed and nag positive naman (faint line sya pero super visible) then kaninang tanghali sinundo ko asawa ko sa work nya. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan na MALIIT NA BAGAY LANG NAMAN. I was the one who fix our problem pero nagalit lang sya at nagwala. Sinampal nya ako at hinampas sa hita at dibdib. Natadyakan nya ang puson ko but LUCKILY hindi ako dinugo at hindi ako nakaramdam ng sakit sa puson. I don't know why but thank god i think safe baby ko kahit first weeks palang sya. Gusto ko man tawagan papa ko to seek for help pero hawak nya cp ko at late nya na binalik nung nakauwi na kami. At the end he always saying sorry and feeling guilty and regretful sa nagawa mula pa man noon past 4 months until now ganito ka violent asawa ko. Kinausap sya ng parents ko and now naiiyak sya dahil naiisip nya mga sinabing paalala ng magulang ko. Eto naman ako nasasaktan pag nakikitang naiiyak bahagya asawa ko kasi di naman ito iyakin. After all na giawa nya sakin until now i really love him as he really love me that much. Pumasok man sa isip ko na iwan sya but i just can't

Tama pa ba itong desisyon ko?
119 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Since the time na nalaman ko na buntis ako lagi ng mainit ulo ng Lip ko sakin. I dunno why or what. Magkamali lang ako ng ginawa? Mumurahin, Pag sasabihan ng kung ano ano na para bang hindi niya ako niligawan at mahal. Dumaan pa yun nung mga buwan limang buwan nag away kami. Pinagsasampal niya ako nasa Cagayan kami nun 5 months yung Tiyan ko. Sobra akong nanlumo sa sarili ko. Wala akong magawa kundi umiyak. Hindi ko alam bat na gagawa niya yung bagay na yun sakin knowing na buntis ko at siya pa ang Ama. Natamaan niya yung tiyan ko nun. Dinugo ako ng tatlong araw Luckily okay ang baby ko. Too much stress and pagod kaya Dinugo ako. Pero that day nasinaktan niya ako yun din yung araw na pinangako ko sa sarili ko na pag labas na pag labas ng anak ko. Hindi na ako papayag na ginaganito niya lang ako. Until now that I'm 8months pregnant last March 3 sinaktan na naman niya ako. Sinampal hinatak. Lalayas na ako nun sa ka nila dahil ayoko na talaga. Hindi ko na kaya lahat. Sinugod pako nun sa ospital dahil bigla akong nanlamig at namutla. Sabi pa sakin ng kaLIP ko kaya lang naman ako pumunta dito sa ospital dahil sa Konsensya. Wala na akong maramdaman na pagmamahal. Sagot ko lang sana di kana nag punta. Okay lang ako kahit wala ka kung tutuusin dapat ako ang nag sasabi sayo ng mga bagay na yan. Maraming beses mo na akong sinaktan pero anong ginagawa ko? Maganda pakikitungo ko sayo kahit sa loob loob ko tangina mo. Hindi ko deserve lahat ng pinaparanas mo sakin dahil naging mabait ako sayo simula palang ng relasyon natin. Hanggang sa nakita ko nalang namangiyakngiyak na siya sa narinig niya sakin. Sabi ko kung alam mo lang kung gaano ko pinipilit yung sarili ko na pigilan kanang mahalin. Hindi ko naman pinipilit na magpakaama ka o Asawa sakin kung ayaw mo na sabihin mo sakin di yung sapananakit mo idinadaan lahat. NAPAPAGOD din ako umintindi. Kasi halos lahat ng pag pa pasensiya at pagiintindi sayo nagawa ko na. Hindi ko na alam saan ako kukuha pa ng Lakas ng loob para paki samahan ka. Kung di lang dahil sa anak ko baka matagal na akong wala sayo. Hindi na siya umimik. Grabe sacrifice ng babae pag dating sa Pagpapamilya. Graduate ako ng Comscie yung mga Kabatch ko. Masaya na nag travel, Nagwowork pursue yung Career nila. While iba samin nag pamilya na. Hehe Ako? I choice to have a family na set aside ko ang career ko dahil sa pagbubuntis ko tas ito lang magiging kapalit ng lahat. Sobrang saklap naman ata. ☹️ Parang ang sarap nalang ulit maging bata. Aral aral aral. Haha minsan naiiyak nalang ako na sana nakinig ako sa mga sinasabi ng iba keysa puso ko. HAHAHAHA Hays

Magbasa pa
6y ago

Hindi ko alam pero okay naman kami nung nag uumpisa palang kaming mag sama. May anak siya sa Ex niya nung panahon na pinakita sakanya yung bata at nalaman niyang buntis ako maging ganon siya sakin. Na totoo na siyang manakit. Sinabihan pa nga ako nababalikan na daw niya yung ex niya as in mahal na mahal niya yung una niyang anak na parang wala siyang pake sa dina dala ko. Sinabihan pa nga niya ako na sana di nalang ako buntis. 😭💔 Nakaka guho ng mundo yung ganong Sistema.