Tama pa ba itong desisyon ko?

Hi sissies and mamshies! I just wanna share this to you also to spread awareness of obssession. Kaninang umaga nag pt ako kase 10 days nakong delayed and nag positive naman (faint line sya pero super visible) then kaninang tanghali sinundo ko asawa ko sa work nya. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan na MALIIT NA BAGAY LANG NAMAN. I was the one who fix our problem pero nagalit lang sya at nagwala. Sinampal nya ako at hinampas sa hita at dibdib. Natadyakan nya ang puson ko but LUCKILY hindi ako dinugo at hindi ako nakaramdam ng sakit sa puson. I don't know why but thank god i think safe baby ko kahit first weeks palang sya. Gusto ko man tawagan papa ko to seek for help pero hawak nya cp ko at late nya na binalik nung nakauwi na kami. At the end he always saying sorry and feeling guilty and regretful sa nagawa mula pa man noon past 4 months until now ganito ka violent asawa ko. Kinausap sya ng parents ko and now naiiyak sya dahil naiisip nya mga sinabing paalala ng magulang ko. Eto naman ako nasasaktan pag nakikitang naiiyak bahagya asawa ko kasi di naman ito iyakin. After all na giawa nya sakin until now i really love him as he really love me that much. Pumasok man sa isip ko na iwan sya but i just can't

Tama pa ba itong desisyon ko?
119 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

alam mo sis, ganyan ung unang napangasawa ko, nung una okay kami masaya kami, pero bago un, naririnig ko na ung mga sinasabi ng iba na kapag nasaktan ka ng isang beses ng lalaki, iwan mo na dahil magtutuloy tuloy na yan. Yan ung laging pinapayo sakin ng lola ko, hanggang sa eto na nga. nung una nag away kami dahil pinuntahan ko sya sa trabaho nya, na kinagalit nya, kase daw puro lalaki at nag ppansin daw ako malande daw ako, oo makitid utak nya, pag uwi nmin ng bahay dahil iniexplain ko nga kung bakit ako pumunta, narindi ata sya sinampal nya ako, at umugong tlga ung tenga ko sa sobrang sakit, sympre nashock at naiyak ako, hnd nya muna ako kinibo, tapos maya maya nanghingi sya ng sorry nilambing nya ako ,sinuyo nya ako, edi okay na.. kaso habang tumatagal ung pag sasama nmin, kda mag aaway kami khit sa maliit na bagay lagi na nya ako nassktan, sampal dto, sipa don as in bugbog sarado na ako, kaya nakapag isip na ako iwan na sya, umuwi ako sa lola ko, pero mga ilan araw sinundo nya ako, nanghingi ng sorry, paiyak iyak pa, hnd rin iyakin , pero as in namaga mata nya kakaiyak at kakahingi ng sorry, edi ayon dahil mahal na mahal ko bumalik ako, kaso ganon at ganon ulit, hanggang s nalaman ko na may babae na sya sakto nmang nabuntis ako, nagtiis ako hanggang sa napapadugo na nya muka ko kakasampal nya, pero stay pa rin ako ,AHAHAHA masyadong mahaba na haha pero 2013 march 31 naghiwaly kmi 1yr na baby nmin nun, huling layas ko sa bahay , hnd na ako bumalik kase iniisip ko, babalik ako tapos ganun ulit, kawawa nman anak ko , then 2015 nag asawa ako ulit, kung anong kawalang hiya at kademonyo nung dati ko , etong lalaki na ksama ko ngayon, sya tlga ung massabi kong naging hulog ng langit sakin dahil sa kabila nung naranasan ko sa una, triple ung pag aalaga sakin ngayon ng pangalawa, btw im preggy 21weeks , 2nd baby na nmin ... kaya payo ko sayo sa una lang ganyan paiyak iyak pero pag bumalik ka tignan mo uulitin ulit, mabuhay ka ng wala sya hnd mo kailangan ng sakit ng katawan.. kaya mo nman buhayin baby mo, sorry mala MMK HAHAHAHA

Magbasa pa
6y ago

Salute!