Tama pa ba itong desisyon ko?

Hi sissies and mamshies! I just wanna share this to you also to spread awareness of obssession. Kaninang umaga nag pt ako kase 10 days nakong delayed and nag positive naman (faint line sya pero super visible) then kaninang tanghali sinundo ko asawa ko sa work nya. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan na MALIIT NA BAGAY LANG NAMAN. I was the one who fix our problem pero nagalit lang sya at nagwala. Sinampal nya ako at hinampas sa hita at dibdib. Natadyakan nya ang puson ko but LUCKILY hindi ako dinugo at hindi ako nakaramdam ng sakit sa puson. I don't know why but thank god i think safe baby ko kahit first weeks palang sya. Gusto ko man tawagan papa ko to seek for help pero hawak nya cp ko at late nya na binalik nung nakauwi na kami. At the end he always saying sorry and feeling guilty and regretful sa nagawa mula pa man noon past 4 months until now ganito ka violent asawa ko. Kinausap sya ng parents ko and now naiiyak sya dahil naiisip nya mga sinabing paalala ng magulang ko. Eto naman ako nasasaktan pag nakikitang naiiyak bahagya asawa ko kasi di naman ito iyakin. After all na giawa nya sakin until now i really love him as he really love me that much. Pumasok man sa isip ko na iwan sya but i just can't

Tama pa ba itong desisyon ko?
119 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kahit sobrang maiinitin at seloso Ang hubby ko sis never Niya akong sinaktan physically. But since nakikita mo Naman na talagang nag sisi siya. Pwede niyong pag usapan or ipa therapy sis. Be open sa mga solutions Kasi baka need Niya po Ang tulong niyo.

VIP Member

Grabe natitiis mo ung ganyang lalaki momsh? Baka sa mga susunod nyong away mas higit pa jan gawin nya sayo. Ako never ako sinaktan ng asawa ko kahit malaki syang tao at khit nag aaway dn kmi mnsan. Never. Dahil pag ginawa nya pasensyahan talaga kmi.

VIP Member

Sis nagawa na niya yan, at gagawin pa niya ulit. Please isipin mo mabuti, di sa lahat ng bagay ang solusyon ay love. Maybe yes love mo siya at love ka din niya pero if totoong love ka niya di ka niya magagawang saktan physical lalong lalo na emotional.

5y ago

Exactly sis like my ex husband inuulit ulit lang ang pananakit buti at siya na mismo ang umalis sa bahay otherwise baka maging kriminal ako.

VIP Member

how sad...love nga namN. but please momahie, violation ginagawa nya. pwede xa kasuhan anytime. wag mo hayaan na lage ka may sakta at lage mo lang din sya patatawarin. self respect dapat meron tayo para irespeto din tayo ng iba.

Wag na kayong mag aksaya ng oras na payuhan tong gaga na to. Di nya rin naman kayang iwan asawa nya kaya siguro mas okay lang na mapahamak baby nya basta lng unahin nya sarili nya at ang LOVE nya para sa asawa nyang GAGO dn.

VIP Member

may tawag dyan sa ganyan love yung nag sasakitan kayo pero mahal nyo isat'isa. nakalimutan ko tawag pero alam ko meron non. pero sana naman pag may anak na wag na ganyan kawawa si baby pag nakikita yung mga ganyang senaryo

Iwan mu n once n nagawa nya uulit ulitin lng nya bndang huli kayo ng baby mu ang kawawa..kaya hanggat maaga pa iwan mu nah kawawa nmn c baby bka mawala p dhil s pinaggagawa ng asawa mu

Mali yung ginawa ng partner mo, kung mahal ka nya talaga di ka nya sasaktan physicaly and emotionaly. kung tunay s'yang lalake di yan mananakit ng babae. magising ka sis. pero wala eh, love is blind.

noooooo niklaro ko sa Hubby ko na once na saktan nya ako wala na syang asawa at anak at nimake sure naman nya na never nya akong sasaktan physically wag mong hayaan na ganyanin ka ng asawa mo momsh

It's easy to say na hiwalayan mo ang asawa mo. Pero I have the same situation momsh. Siguro sa isip natin may chance pa silang magbago. Pray ka lang and seek help from your family and friends.