119 Replies
I have a story about pananakit. Bago palang kami ng asawa ko nun, siguro nasa pag 2yrs palang. Kasalanan ko naman noon yun, tapos napundi sia pinasok nia ako sa kwarto namin ang hinablot tong braso ko, grabeng iyak ko. Kasi I used to think na hindi nia ako magagawang ganunin, sobrang iyak ko talaga. Tapos nag sorry sia hindi na nia raw uulitin to think na hablot lang ha. Sising sisi sia by that time. Wag na wag mong I-tolerate na danasin mo ang ganyang klase ng pananakit sa asawa mo to think a buntis kapa. Wag mong antayin sa puntong mapatay ka nia or ang anak nio. Kung isa/dalawang chance at inulit pa siguro panahon na para magising ka sa realidad na hindi mabuting asawa kahit kelan ang mapag buhatan ka nang kamay, that was so bad. Don‘t tolerate it, or else magsisisi ka.
Pag isipan mo muna ng mabuti mommy.. hindi naman lahat ng lalaki perpekto.. sa totoo lng mommy nkaranas din ako masaktan ng lip ko sa unang pagsasama namin.. sobra pa jan inabot ko nagkapasa ako sa kamay ng tinulak nya ako palabas ng bahay sa kadahilan na nagseselos siya at lasing siya.. muntik nadin kaming maghiwalay pro pinakita niya sakin na sincere siya sa pagsosorry niya.. binigyan ko siya ng chance at nagbago nga siya.. tinurong niya akong princessa kahit gawaing bahay hindi ako gumagawa.. hanggang sa ngayon nabuntis ako mas maalaga siya sa akin.. ibig kong sabihin hindi naman po impossible ang pagbabago. Pro kung paulit ulit nalang siguro iwan mo na..
I feel you momshie. madaling sabhin sa iba na iwanan mo na bf or asawa mo pero mhrap para satin na gawin yun. yung Bf ko rin ganyan siya to the point na npagbubuhatan na niya ako ng kamay. pero sa huli nag sosorry dn sya and hihingi dn ng tawad! sympre tayo marupok! 😂 kaya papatawarin ulit.. pero momsh wag mo hayaan na saktan ka ulit ng Bf or asawa mo. kasi baka hndi lang yan abutin mo.. may mga tao kasi na pag subrang inis or galit nakakapanakit kmbaga dun nla nailalabas galit nla pro sa huli. nakokonsensya sila. i feel youuuu ganyan dn kame ng partner ko. msaket na nga mag salita kng mnsan nanakit dn. #SkL 😊😘 magbabago dn yan pag nagka baby kau.
Sa ganyan nagsisimula ang domestic violence momsh. I've worked in a counselling office at ung story mo is pretty similar sa mga patients ko na nakaranas ng domestic violence. Yes, you can still be with him BUT only after nakapag parehab na siya to manage his anger and violent tendencies. Its best na habang buntis ka, lumayo ka muna sa kanya to prevent the incident from happening again. Dun ka muna sa parents mofor now para if ever dadalawin ka niya, may bantay ka. Also, pacheck up ka po to confirm.your pregnancy and makita kasi baka may subchrionic hemorrage ka na. Minsan kasi kahit di lumabas ang dugo, sa loob naman ikaw may dugo.
Unang beses palang na pagbuhatan ako ng kamay ng partner ko, ayoko na. Kasi alam kong ako ang talo, dahil mas malakas sya sa akin. Luckily, never pa akong napagbuhatan ng kamay ng asawa ko at pakiramdam ko never talaga nyang magagawa yun dahil alam nyang kaya ko siyang ipakulong. Kung mahal na mahal mo at ayaw mong iwan, siguro mas magandang takutin mo sya. Sabihin mong kapag inulit pa niya yun, malalaman niya ang kalalagyan nya. Sabihin mong nabanggit mo ang nangyari sa pamilya mo, so kapag may nangyaring masama sayo, alam nila kung sino sisisihin. Dapat niyang malaman na mali yung ginawa niya at hinding-hindi na dapat maulit.
I know it is hard to let go of the person you gave your heart but you must also think about yourself (dignity, self respect, worth, health ) and now plus your baby. It will be a cycle mommy, he will ask for your forgiveness, cry, tell you he will not do it again and even tell you na "ikw kasi, gnito gnyan kaya nasaktan kita etc2".. then you will forgive him, okay kayo. Tpos mananakit na nmn. Pls don't wait na ma 5050 buhay mo at ng baby bago ka umalis. Go back to your parents, again mahirap kc mahal mo pero makakaya mo yan mommy bsta focus ka lng sa safett and peace of mind for yourself at ng baby.
Naku if nagawa nya before na saktan ka, hindi malayong mauulit at mauulit yan tapos magsosorry na naman sya, ang worst xe hindi lang yan ang magawa sayo, lalo na pag nagkafamily na kayo, ingatan mo ang sarili mo girl, huwag mo hayaang sinasaktan ka, masakit para sa magulang mo yan,pag lumabas baby mo at makita mong sinasaktan sya ng ibang tao, mararamdaman mo kung anong nararamdaman ng magulang mo para saiyo. Sorry to say pero hindi ka mahal ng tao kung sinasaktan ka hindi lang physical pati emotional. Wag mo antayin na pati anak mo masaktan nya at hindi lang yan magawa sayo.. 😞
Smjn nmn bliktad ung aswa ko super d nannkit ako na ang nannkit s knya pg sobra ang glit ko and dun ko nlmn n my postpartum depression ako. Pero sobrang inunawa ng husband ko.. my time n pg d ko npipigilan glit ko khit ano mhwkan ko e hinhmpas ko s knya.. minsan din kailngn almin ntin if bkit gnun un pla my pingdadaanan na.. dpt lagi mg uusp at pg lago npupunta s skitan better consult doktor n mktulong mlmn if bka nmn meron nbubuong depression o stress pra s gnun msolusyunan ng tma ang problema.. s ngyon d ko n cia nssktan kc ung pgmmhl nya din ung nkgmot dun s depression ko
Kahit ano pang reason kesyo mainit ulo, nadala ng galit hindi tamang manakit ka esp kung asawa mo. THINK TWICE GIRL. FOR THE SAKE OF YOUR BABY oo for us madali lang magsabi na iwan mo yang tatay ng anak mo. Pero try to think of it, GANYANG KLASE BA NG LALAKI ANG GUSTO MONG MAGING KALAKIHAN NG TATAY NG ANAK MO? Heads up! You need to be strong enough hindi para sa lalaking yan kundi para sa inyong dalawa ng anak mo. Weeks palang ng pagbubuntis mo ganyan na nya? Isip girl baka in the future hindi lang yan abutin mo sa kanya.
Alam mo momsh naalala ko mga kwento ng mga magasawa. Sbi ng lalaki bakit mo naman sasaktan ang asawa mo eh nagpakahirap ka nga ligawan ng ilang bwan ung iba taon pa pra lang marinig ang matamis na oo. Dun palang alam na nila ang importansya mo bilang isang babae at bilang isang asawa.Pra sakin mga lalaking nanakit ng asawa may problema yan sa pagiisip. Di po normal saktan ang lalaki ang babae kahit na napaka bungangera na ng babae. Know your worth momsh. Pananakit ng asawa physically ay kahit kelan walang excuse.
Anonymous