May sipon si baby @4months old

May sipon ang 4 months old baby ko pwede ba sakanya ang disudrin yun kase ang binili ng byenan ko yun daw ipainom ko kay baby. Pwede po kaya yon?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy always remember na kapag sa baby wag kayo painom basta ng gamot kasi DAPAT YAN CHECK-UP MUNA SA PEDIA. Bkit? pano of may allergy pala anak mo sa gamot? kahit painumin mo yan ng gamot kung hindi right dosage based on weight and age ng baby hnd tatalab yan. Again pa-pedia mo na.

3y ago

+1 tama po pag baby wag magexperiment ipacheckup agad di na tulad nung panahon nila na pede ang dahon dahon at kung ano ano lang dati makabili ka ng antibiotic basta basta ng walang reseta ngayon hindi na mas okay na mapatignan mo ang baby mo baka maya di yan pede sa kanya.. doktor po ba si biyenan? if doctor pede siguro alam nya mga gamot pero kung di naman doctor ay magpunta na sa pedia ng sa ganon maprescribe ang baby nyo ng tama.. hehe kasi maari di naman yan sipon kundi allergy may mga bagay sa bahay nyo bakit di nawala agad sipon nya baka allergy yan or baka may nasmoke jan sa inyo.. bago humawak sa bata magpalit maligo ang mga tanders para di sipunin ubuhin or magkasakit si baby