Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
dreaming to raise well my baby and have a good heart and have a good attitude
Nilagnat pagkapanganak
Hello po mga mommies, sino po dito nilagnat pagka panganak or ilang days after manganak? Nilalagnat po kasi ako ngayon pangatlong araw na at baka mapang apat pa po umiinom po ako biogesic kasi sa tingin ko po yun ang safe sa breastfeeding mom. Ilang araw po kayo nilagnat?
Ano ang dapat gawin?
37 weeks maya't maya na nag pananakit ng tiyan ta balakang ko. Dapat na ba ako pumunta sa OB ko? Naka schedule ako ng panganganak ng july 7 (CS). Pano po ba dapat ang gawin ko?
Discharge 35 weeks
Hello po mga mommy 35 weeks pregnant po ako, at may discharge po na ganyan nagpa check up po ako sa OB ko kaso hindi ko po nasabi na ganyan ang lumalabas sakin at may smell pero niresetahan naman po niya ko fluconazole. Na experience niyo dn po ba ito? Ano po nireseta sa inyo? Sabi po ng OB ko fungal infection daw po
Smelly discharge 35 weeks pregnant
Hello mga mommy ask ko lang po kung ano po itong discharge na ito? Smelly din po kasi siya e. Btw nagapcheck up po ako kanina at nasabi ko din po na may discharge po ako at na aprang cheese pero hind ko po nasabi yung gantong discharge
Pag sakit ng balakang at pagtigas ng tiyan
34 weeks palang po ako pero maya't maya na yung sakit ng tiyan ko at yung paninigas in maya't maya na. Kailangan ko na po ba ipacheck up ito?
Hirap mag search
Ang hirap naman po mag search dito sa The asian parent pag may kailangan ka basahin na post din ng ibang mommies ayaw lumabas ng result
Sad reality for some moms.
Ang hirap magbuntis pag alam mong yung relasyon niyo ng tatay ng anak mo e wala na dahil sa isang babae. Sobrang gulo po ng utak ko na halos araw araw gusto ko na lanh po mamatay dahil sa nangyayare. 3 months na po akong buntis. Walang nandyan para sakin walang mapag sabihan ng mga problema at yung tatay pa nitng pinagbubuntis ko puro lasinungalingan pang bababae. Sobrang gulo na po ng utak ko. Gusto mangyare e magsama nalang para sa bata parang ang unfair lang kasi sya masama sa babae niya samantalang ako hindi dahil sa mga ginagawa niya at ako mag aalaga ako ng bata siya nagpapakasaya sa babae niya. Sobrang disappointment nararamdaman ko sa sarili ko ngayon sobrang panghihinayang sobrang sakit
Bawal kumaen ng patatas
Totoo po bang bawal pa kumain si baby ng mashed potato kahit 6 months na siya, sabi kase ng biyenan ko cerelac daw muna wag daw muna patatas kase mapupwersa daw yung tiyan ni baby, pero pinapakin ko pa din po si baby ng mashed potato pero di nila alam
Nalaglag si baby
Pangalawang beses na ni baby nalaglag sa kama 6 months old siya, ano po ba dapat kong gawin. Di ko na po alam gagawin ko parang gusto ko na lang po mamatay dahil napaka walang kwenta kong nanay.
Cerelac at mash potato
Pwede po ba pag salitin ang cerelac at mash potato sa 6 months old kong baby? For example po susubuan ko po siya cerelac and after mash potato naman po isusubo ko, pwede po ba iyon?