Tungkol sa pagkuha ng kasambahay

Sinusuggest ng asawa ko na pag naging dalawa na anak namin kuha kami ng kasama. Pero para sakin po parang ayoko po sa totoo lang. introvert po kasi akong tao at mahiyain. Di po ako basta basta nagtitiwala sa ibang tao at mas komportable po ako pag walang ibang kasama like kasambahay..hanggat kaya gawin ako po gagawa. Ano po opinyon niyo mga mii? Sa mga wala pong katulong nakaya niyo po ba lahat kahit ilan pa anak niyo? Kahit walang kasama sa bahay? Pa advice naman po. Ayoko po tlaga kumuha ng kasama sa bahay. Makakaya ko po kaya?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung naka budget naman po, Mas maigi po may kasambahay. Ganyan po ako dati ayaw ko nang katulong sa bahay dalawa na anak ko toddler pero mahirap talaga katagalan po kasi mapapagod tayong mga Nanay sa gawaing bahay sabay alaga sa mga bata, minsan hindi na din nagkaka me time. Ewan ko na burn out po ako Hanggang sa kumuha nalng po kami nang katulog sa bahay at tumutulong naman din sa pag aalaga sa mga bata, Mas gumaan po pakiramdam ko at nang husband ko.,Sometimes need talaga natin magka time magpahinga para rin sa mga Anak at asawa natin, feeling ko na aachieved ko yan dahil sa may katulong sa bahay.

Magbasa pa