Daddy Material
Sino po rito yung blessed sa hubby or partner po nila? Share naman po kayo kung ano naging reaksyon nila nung magiging daddy na sila.

Ako blessed sa Daddy ng baby ko and he's the one that I prayed for. Nagpplano na talaga kami magbuo ng family since hindi naman na kami bumabata, unang mga PT ko puro negative at malungkot kami parehas. Nung nag PT ako ulit after 2-3 weeks nag positive sabay sinabi ko sa kanya, eh kakagising nya lang at balak pa matulog nagising daw sya bigla at nakipag videocall pa. Sobrang ngiti ng partner ko to the point na nawawalan na sya ng mata sa pagkakangiti π since nasa bakasyon ako ngayon at wla sa pinas, almost everyday chat at videocall kami at palaging kinakausap si baby kahit sobrang busy nya sa work and business nya. Malapit na ko bumalik ng pinas looking forward kami parehas sa paglabas ni baby.
Magbasa pa