Daddy Material
Sino po rito yung blessed sa hubby or partner po nila? Share naman po kayo kung ano naging reaksyon nila nung magiging daddy na sila.
I think i have one of the Best partner. I have been in a relationship madaming beses na and tumatagal naman pero nag end up parin sa break up. Ung LIP ko ngaun, actually nakilala ko lang sa game, nagmeet and after 2 days naging kami. Yes medyo madali momsh. Walang ligaw ligaw. We do Couple things, nung 1 and 2 days kaya nagtanong siya if ano kmi, kung kmi na. Single siya for 5 Years, ako Single for a year. After nun night na sabi ko sige kmi na no need nmn ng ligaw. Di na ako pinauwi sa apartment ko. Since Day 1 sweet siya, maalaga, tinatrato niya ako na reyna. Di pa ako buntis niyan ah ano pa po kaya ngaun halos di niya na ako pagalawin. Real talk po. Once nagalit ako kasi may nagawang masama or di ko gusto both kmi di magkikibuan pero mamaya niyan ya yakap at magsosorry maglalambing. Lahat ng nangyayari samin sa araw araw shinashare namin mapa bad times or good times. Matagal kmi ng try na magka baby almoat 6 months simula nung nagsama kmi wala talaga. Sinabihan ko pa nga siya. What if baog ako maghahanap ka ng iba? Sabi niya no. Edi mag aampon tayo. Or papacheck up tayo para para magamot. Ilang beses kmi nag plan mag pacheck up kaso nauudlot dahil sobra busy sa work. My times na alam ko stress siya sa work niya dahil sinasabi niya sakin and i have decided na uparest muna siya. Yes. Nagresign siya. Wala siya work for 2 months and ako nagpoprovide. Okay lang naman. Give and take ba and mas worth it dahil nung time na nasa bahay lang siya ayun. Di nmn napansin kasi parang lagi na kmi nadidisapoint na every month merun ako. This time umuwi mama niya. He is unwell, nagsusuka, masakit tiyan. Sabi ng mama niya aba buntis ka ata gem naglilihi si bunso? Bunso kasi siya. Hinakbangan mo ba siya. Ung narinig niya un ki mama nag expect siya ako nmn ayoko dahil baka malungkot lang ako. Nagpacheck. Up kmi. Then nagpa trans v. Nung naconfirm namin. Pinapasok siya ng Ob para explain. Nung sinabi nung on na 5weeks preggy ako. Nakita ko ung ngiti sa mukha niya napaka priceless. Ung tuwang tuwa siya na makita ung monitor at matinding na buntis nga ako. Sobra saya nung araw na un. Always siya sumasama sa mag check ups ko. Aabsent talaga siya for that which is sweet sa part ko.
Magbasa paAko blessed sa Daddy ng baby ko and he's the one that I prayed for. Nagpplano na talaga kami magbuo ng family since hindi naman na kami bumabata, unang mga PT ko puro negative at malungkot kami parehas. Nung nag PT ako ulit after 2-3 weeks nag positive sabay sinabi ko sa kanya, eh kakagising nya lang at balak pa matulog nagising daw sya bigla at nakipag videocall pa. Sobrang ngiti ng partner ko to the point na nawawalan na sya ng mata sa pagkakangiti 😂 since nasa bakasyon ako ngayon at wla sa pinas, almost everyday chat at videocall kami at palaging kinakausap si baby kahit sobrang busy nya sa work and business nya. Malapit na ko bumalik ng pinas looking forward kami parehas sa paglabas ni baby.
Magbasa panung mag jowa pa lng kami ng asawako. gustong gusto nya ako buntisin kse lagi akong nkkipaghiwalay sa knya. at un nga na buntis ako tuwang tuwa ang gago. kesyo kung ano ano pinagssabe saken ung proud tlga sya na mgging papa na sya. hanggang sa nag usap na nga pamilya nmen. tapos tinanong sya ng tito ko kung kaya na nya ang sagot ba nman " umiling. (hindi) galit na galit ako nung malaman ko un kse nasa loob ako nun na iyak kinakausap sa loob. (sa labas kase sila nag uusap) ngaun. sabi ng mama ko hnd nga kya haha. pero pra sken kaya nman nya. pera lng tlga problema minsan haha. halos sya nag aasikaso sken (buhay seniorita ba)
Magbasa paSakin nmn swerte aq sa hubby ko as in super bait niya and nung nlaman niya na buntis aq una kinabahan kami pareho kasi that time maggf/bf pa lang kmi pero yung kaba at yakot namin may halong saya lalo na siya. And until now na magasawa at kasal na kmi he's always there for us ni baby. Di niya hinahayaang mawalan kami ng pera kahit sobrang pagod na siya sa trabaho ayaw niya papigil kasi daw wala pang gamit c baby kailangan niya makaipon. Lalo na nung nalaman namin yung gender ni baby he's super happy.. And im proud of him
Magbasa paSobrang saya niya po mamsh 😊 inaaway pa nga po ako sa pagpapangalan ng baby namin e 😆 tapos ang dami niya na po agad plano of boy ba or girl. Tapos nung nagpaultrasound po kami at nalaman na boy, napaYES po siya ng malakas hahahahaha 😆 si hubby po kasi mahilig maggym kaya sabi niya sakin isasama niya daw si baby sa gym, bibili daw po siya nung pangkarga sa baby para habang nagggym siya nababantayan niya pa din daw si baby 🤗😍😆 yun po ang aming hapitot 😂😍😊
Magbasa paMeee 🥰 Nung nagdadalawang isip pa kami kung pregnant ba talaga ako, ang sinabu niya sa akin ay ipagpray daw namin kung ano ikakaloob ni Lord. At binigyan kami ng baby. Sobrang supportive niya, kasama ko sa lahat ng doctor appointments, lagi kinakausap si baby at lagi pinagppray ang anak namin 🥰 Lagi pa ako dinadalhan ng mga pagkain na pinaglilihian ko at nagpapaalala na uminom ng vitamins at uminom ng maraming tubig para sa amin ni magic bean. 💕
Magbasa paMe 😁 Halos lahat ata ng pagkain na gusto ko binibigay nya kahit maubos ipon nya . Sakto mag wowork na sana ako non pero di na nya ako pinag work at mag stay nalangg daw ako sa bahay . Ngayon naman kabuwanan kona balak balak pa kong ikuha ng katulong 😅😅😅 wahahaha . Kaso diko na sya pinayagan jan nghihinayang ako sa pera syempre . Sobrang sarap sa feeling na my responsable kang katuwang sa buhay esp. mapagmahal . 😍
Magbasa paAhhh. Daddy nito is walang hiya. Para akong na hit and run, but my ex which is ilang months na kaming nagbreak before ko mameet tatay nito, sya yung sobrang naging caring and excited. Sya pa nag assume na sana daw baby girl aalagaan nya daw. Naaalala ko pa. Ex ko yung kasama ko magpt hindi yung mismong ama. I must say na minalas ako sa kasama kong bumuo dito, pero may tao parin talagang nandyan for me and my baby.
Magbasa paSa panganay namin nun di namin inexpect na mabubuntis ako at the age of 17 yrs old at 21 sya that time nun.. kinakabahan sya pero gusto na nya .. at nagsama naman kmi nun that time masaya sya nun kasi 1st baby din.. at wla nang mas sasaya na biglang nagkaroon kami ng 2nd child at tatay na namn sya sa pangalawa namin after 6yrs nasundan panganay namin lalo nat lalaki na naman 😂 puro na sila lalaki sa bahay 😊❤
Magbasa paNakainom kasi sya nung araw na nagpt ako tapos naka tambay kami ng nga kaibigan ko sa labas ng bahay nagkekwentuhan sa tapat lang naman ng bahay namin yung pinaginuman nya kaya nung nakita ko sya sinabi ko sa knya tapos halos sumigaw na sya a nagtatalon sa daan nung nalaman nya na magiging daddy na sya tapos nagbagong buhay na sya nag sipag sa work less barkada
Magbasa pa