Daddy Material

Sino po rito yung blessed sa hubby or partner po nila? Share naman po kayo kung ano naging reaksyon nila nung magiging daddy na sila.

71 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Blessed naman ako sa father ng baby ko 😊 nun una nyang nalaman, sinend ko lang kasi un PT sa fb tapos una nyang reaction, pinaprank ko daw ba sya 😂 tapos di na sya mapakali, tumawag sya sa nanay nya, sa tatay nya. Lahat ata ng pwedeng tawagan tinawagan nya hahaha. First baby namen kasi kahit unexpected, happy kame andito na si baby sa tummy ko 😊

Magbasa pa

Pinagsabi nya sa work agad tapos tinawagan nya mom nya. Pati sa guest na ina-assist nya (manager sa hotel si hubby, that time sa Shang Makati 😸) kinuwento nya. Haha. Di sya pumapayag na magpa check up ako ng hindi sya kasama. Gusto nya first heartbeat, first ultrasound, first everything kasama sya. Kaya siguro carbon copy nya yun daughter namin? 😹

Magbasa pa

nung nalaman ng partner ko na preggy ako tuwang tuwa siya pero ako kinakabahan kasi nagaaral palang ako that time tapos di ko pa alam sasabihin sa parents ko pero ngayon tapos na ako sa academics ko wala na ko iintindihin kundi yung ojt nalang kulang 😅 lagi niya kinikiss, hinihimas pati kinakausap yung baby namin sa tyan ko 🥰

Magbasa pa
VIP Member

Nag emergency leave sya sa work nya sa saudi ng nagpositive pt ko nun, tas pag kadating nya check up agad kami kaso 4 weeks pa lang kaya di pa kita. Pero yung effort nya na umuwi sya na parang ang lapit lapit lang nya is nakaka tuwa. Kaya mahal na mahal ko yung asawa ko kahit halos araw araw ko din syang inaaway hehehe.

Magbasa pa

Nung pinakita ko ung unang pt ko faint line nasa trabaho sya non pag uwi nia sa bahay kinwento di daw sya makatulog nabasa daw nya pag faint positive na. Pagkagising ko nag pt ako pinakita ko sa kanya niyakap ako sabay sabi buntissss ka na tpos kiss tuwang tuwa. Inantay kase tlaga namin to. Salamat sa diyos

Magbasa pa
VIP Member

Ako po^^ sa sobrang tuwa nya 7 weeks palang ako lagi na nya kinakausap si baby 😂 hnd din sya nagkukulang sa pag support sakin financially, emotionally at physically ^^ lagi nya din iniisip future namin^^ hnd nya din ako bibigyan na ikai-stress ^^ sobrang blessed talaga... sana ikaw din mommy 😊

Sobrang saya nya lagi nya kinakausap si baby sa tummy ko 😊 nung buntis pa ko mas excited pa sya sa check up at ultrasound ko nun hahaha tapos nung lumabas na si baby sobrang saya nya halos di nya bitawan si baby ngayon 2months na si baby gusto nya sya magpapatulog lagi nakakatuwa silang tingnan

Post reply image

Super happy kasi matagal niya na hinihintay yun. Every prenatal check up sinasamahan ako. Tapos after ko manganak siya nagluluto, naglalaba ng mga damit namin lalo na yung napagtagusan ko ng dugo na mga damit keri lang sa kanya maglaba hehehe. Siya nagbubuhat kay baby kapag nahihirapan na ako :)

Sobrabg happy ng asaawa ko nung nalaman nya positive after ng kasal namin may nabuo na sguro nung honeymoon namin. Sobrang blessed talga namin. And nakaktuwa asawa ko inaalagaan nya ko para ko syang doktor sinsabi nya mga hindi dpat gawin at kainin iloveyou mister ko

🙋everytime na darating husband ko from abroad, wala akong ginagawa. From paglilinis ng bahay, paglalaba, pagluluto, sya gumagawa. Yun lang daw kasi ang time nya para maalagaan ako since LDR kami. Walang ding bisyo husband ko, malakas pa akong uminom sa kanya 😂