Public hospital

Sino po dto nakaranas ng manganak sa public hospital? Ang pangit lang kasi ng naranasan ko di naman ako maingay mag labor pero sinisigawan ako ng mga doctor nun kasi nga di ako marunong umiri (first baby ko) naalala kopa ako lang magisa sa room kasi 9cm na tuloy tuloy na yung sakit pero mataas padin tiyan ko. iyak na ko ng iyak kasi yung kinabit din nilang swero sakin is hindi nakaayos at dugo na ng dugo nagkalat na sa tiles ng room. Di nila ako pinapansin tinatawana pako ng mga nurse. Pinahiya rn ako ng doctor nun kasi nga bakit daw sinugod ako sa hospital e di pa naman daw ako noon naglalabor sabi ko doc na ie napo ako 4cm napo tsaka may lumalabas ng dugo sakin. Excited daw ako! Sinisermunan nya ko kaharap mga nurses. Gustong gusto kona umiyak nun, gusto ata nila kapag lalabas na talaga yung baby dun kana nila aasikasuhin. tumagal din kami ng 1week sa ward kahit wala kaming prob ni baby. Dko alam bakit pinatagal nila kami ng ganun. Kaya pinangako ko sa sarili ko hinding hindi nako babalik sa hospital na yun manganak man ako ulit siguro sa lying in nalang since may philhealth naman ako at afford naman?

38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Anong hospital po yan? Indicate nyo po din to para wala mga buntis ang pupunta dyan sa walang kwentang hospital nayan. Nakakagigil mamsh.

Grabe Naman po Ang hospital na Yan, ung tita ko nanganak po sa public pero di Naman gnyan,mahigpit Lang sila when it comes po sa bantay.

VIP Member

Yes mamsh ganyan tlga sa public hospital.. Kya ako lying in nlng ngayon 2nd pregnancy ko since takot din ako sa ospital nakkastress po dun e..

5y ago

Sobra😞 mhilig sila mamahiya ng pasyente

TapFluencer

Kaya ako sa public hospital ako pero nakaprivate doctoc ako syempre stress ka na nga maglabor tapos ganyan pa maeexperience mo

Grabe. Dapat nireklamo mo yung hospital at mga doctor sis. Sobra naman yata yung ginawa nila. Alam nilang mahirap maglabor.

Hahahahahaha bakit kasi nag pupublic hospital? Lying in? Pangit din sa ganun. Uso po mag private hospital para maalagaan ka.

5y ago

Mas maaalagaan ka po kpag s lyin in

saang ospital po yan katakot naman jan . 😅meron din ako kilalang ob na ganyan .. mahilig mamahiya, ugali nya talaga.

Maganda rin po ang birthing home/lying in naexperience ko na po sa dalawang baby ko😊

Grabe naman yan, please tell us the hospital para po wala na po makaexperience.

SOBRANG SAMA DIN NG NARANASAN KO SA PUBLIC, DIKO TALAGA MAKAKALIMUTAN. 😢