Responsibilities
Sino po dito yung meron pre schooler and hindi lang c mommy ang umaattend kapag may meeting s school, kundi yung hubby nila? Sana all na lang po ako. Mali po b n c hubby pinapunta ko s school meeting ng anak namen? I'm 36 weeks 4days pregnant, marami ng sakit n nararamdaman sa katawan especially back pain, leg pain and yung feeling n prang my lalabas sa pem2. Binawalan n dn ako ng ob ko mglakad ng malayo or mgtravel ng malayo bka dw mgpre term labor ako. May pasok kc hubby ko today and need p mgtravel ppunta s work. Sabi kase ng president namen wag n dw po mgdala ng bata pra dw po maintindihan nmen yung about s meeting. Ending, my mga bata n ksama yung kapwa mommies ko s school session ng anak ko. Nasisi pa ako ni hubby kesyo late n dw xa s work nya, dpat dw hindi ako naniniwala s cnsabi s GC ng parents. Na stress ako bgla, umiyak ako s sama ng loob kase dpat dw share kmi s responsibilities. Ako po nghhatid & sundo s anak nmen, ako dn ng enroll, ako umattend ng orientation. Bale ngaun lang po ako nkiusap s knya n xa ang umattend ng meeting. Please enlighten me. #bantusharing #advicepls #pleasehelp

Mii napakababaw ng situation niyong mag-asawa para iyakan mo ng ganyan. Itong kwento kasi na ito is based on your POV lang. Paano namin malalaman side ni hubby mo? Kawawa naman siya kung magcocomment kami dito ng mga panget na salita about sa hubby mo tas di niya manlang maipagtatanggol yung sarili niya? Meeting lang naman yan sa school, not so very important para i-absent and i-sacrifice pa ni hubby sa work. Kabuwanan mo na eh,malay mo nanghihinayang sya sa araw niya. Malay mo grabeng hustle ginagawa ni hubby.Malay mo stress din si hubby. Working husband mo,while you are pregnant and need rest, di naman siguro kalabisan kung excuse kayo parehas sa meeting. May GC naman kayo tulad ng sabi mo,why not don ka magpa-update?? Ginawa mo lang kumplikado yung simpleng situation mommy tas iiyakan mo. Kawawa naman husband mo kung ganyan ka kababaw mii. Be understanding din po. Magtulungan kayong mag-asawa,wag pong selfish. At wag niyong isusumbat sakanya na ikaw naghahatid-sundo sa anak niyo sa school,na ikaw nagpaenroll at ikaw din umattend ng orientation dahil lang sa di nya pag attend ng meeting, mostly jan po nagsisimula ang lamat sa relationship ng mag-asawa. Yang simpleng sumabatan na yan na pakonti-konti hanggang sa lumaki. Wag ugaliing manumbat mii, sa pag-aasawa,may kanya kanya tayong roles and obligation,magtulungan kayong mag-asawa mii,para sa family niyo din yan. Tanggalin niyo po sa ugali niyo yang ganyan,d po kayo aasenso kapag ganyan mindsent niyo. Wag pong magpakastress sa bagay na walang kapararakan. May solution naman po yang meeting na yan,d po yan malaking issue para makaramdam ka ng ganyan. Anong gagawin mo? I-excuse mo na walang aattend ng meeting,magpa-update ka sa GC. Wag ka mastress sa walang kapararakan na meeting lang naman. SIMPLE PROBLEMS REQUIRE SIMPLE SOLUTIONS ‼️‼️
Magbasa paPara sa akin, No, hindi mali na ang asawa mo ay gumawa ng natural lang na dapat gawin ng isang magulang. Anak nya naman yun, just as responsibility mo ang mag-asikaso sa anak mo, equal responsibility nya rin iyon. It's just a matter of understanding and consideration. Ikaw out of consideration sa kanyang trabaho ay ikaw usually ang umattend sa school concerns ng anak nyo. At the same time yung asawa mo, since buntis ka nga at pinagbawalan ng ob na magtravel, dapat ay may understanding at consideration din sya na it's his turn. Specially kung announced naman beforehand yung meeting, dapat nagpaalam na sya na malate or mag-absent sa work. Valid naman ang reason mo for not being able to attend. Hindi lang naman financial and responsibility nya sa anak nyo, but to actually be a "parent". Ako may full-time work, si hubby ay busy rin sa family business. Usually for pedia appointments ay ako nagdadala kay lo, pero kapag busy ako or alanganin, he makes time na sya naman ang magdala sa pedia. Normally ay ako rin ang nagpapakain, toothbrush, paligo kay lo pero ngayong buntis ako at may times na masama pakiramdam ko, sya na ang kusang sumasalo sa mga dapat asikasuhin ko. As husband and wife, PARTNER kayo... tulungan dapat, walang timbangan or kwentahan ng mga gawain. Gumawa ang sinong kayang gumawa, magtulungan, magpaubaya at umintindi. Possible na stressed lang din si hubby mo with work, but that doesn't invalidate your feelings lalo na ikaw mismo ay nahihirapan rin naman. Please talk to your husband calmly and properly, if it's just a misunderstanding then it's nothing proper communication can't solve ☺️
Magbasa paHello po, thank you po sa lahat ng ngcomment. Sana wag po kayo magalit if ever msyado ako sensitive or OA pgdating s school meetings. Ayoko po kase umasa sa GC lng ng parents since mnsan po kc naiiba yung version. And thankful dn po ako n umattend c hubby kc it was a nice experience dn daw po s knya though nlate xa s work. Yung mga hindi po kc umattend, nlipat sa new schedule (mdami po kc cla students so gnawa nlang 3 sessions & tanghali n yung 3rd session) and mgbbago n nman ng color coding s gamit ng bata. Nagsorry nman po ako s hubby ko and alam nya po na hindi ko talaga kkyanin bumyahe ppunta s school (pain from shoulder down to feet plus manas na mga paa). Still trying my best to be a mom and also a wife, hindi ko po cnusumbat s knya mga gnawa ko, i usually just keep it to myself kc ayoko po mkpag away kahit po nung ngwwork po ako. Anyways, thank you po ulit sa mga advice nyo mga momsh and God Bless po!
Magbasa paHello. Hindi naman regarding sa school dahil hindi pa talaga nagaaral anak namin, pero ewan ko sa husband ko, ang saya niya makapag halfday or absent sa work para maka-attend ng anything related sa anak namin like simpleng magpapavaccine lang, gusto niya sumama dahil lang sa nakwento ko na okay yung Pedia etc. Minsan iniisip ko baka dahilan niya lang para umabsent sa work haha, ako lang umaayaw kasi kaltas sa sahod niya na naman yun 😅 Hindi ko alam kung ano talaga reasons ng husband mo, pero baka pressured na rin siya sa responsibilities at stress sa work at kaworkmates or head nila tapos ayaw niya pa umabsent or malate para buo sweldo niya since kabuwanan mo na rin. IDK, ito lang haka-haka ko. Kaya much better pag usapan niyo ng mabuti ni husband mo yung nangyari. Heart to heart. At iwasan mag sumbatan kung sino mas maraming nagagawa. Ayun lang, God bless. I hope maging okay lahat sainyo.
Magbasa paHi mii samin naman si hubby ko din yung unaattend sạ meeting ng anak ko talaga nung buntis ako sa 3rd baby namin till now sya din, pati sa pag papaligo, bihis at kain sya lahat tas sabay namin hahatid sa school yung panganay namin. Napag usapan po namin yang ganyang set up nung buntis pa lang ako and nag agree naman sya ngayon 6mos na 3rd baby namin ganun pa din kami . Nasa paliwanagan lang din po siguro ni hubby mo. Kausapin nyo na lang din po sya with love at lambing lambingin nyo po at sabihin na nahurt kayo dahil sa sinabi nya or actions nya explain nyo na lang din po side nyo and ask nyo din po side nya nasa good communication naman po yan. I hope maging okay na po set up nyo ni hubby
Magbasa paBaka stress sa work yung hubby mo mii, ako kasi pag stress sa work simpleng bagay kinakagalitan ko, pero kapag narealize ko naman na mali yung action ko, bumabawi naman ako. Tapos since buntis medyo mas sensitive ka ngayon. Wag mo na stressin yung sarili mo, normal lang na minsan may ganyang pangyayari, it is just a bad day. Ako pag nagagalit asawa ko lalo ko iniinis hehe, yun yung coping mechanism ko kapag hindi maganda araw ko.
Magbasa paHindi nmn Po big deal ang di pag attend s mga school meetings Lalo n pag may valid reason k..Ako nga Po house wife at ang mister ko ang kumakayod.pag hnd pwd c mister, sinasabi ko n lang reason sa teacher since Ako super selan din bawal matatag
Hi, mommy. Baka po naghahanap kayo ng private and affordable preschool. We are offering Philip Thomas Home for Special Cares, who caters not just regular student for preschool but also kids with special needs.
Okay lang yan mhie! Basta okay kayong mag asawa nothing to cry on. Meron naman yan consideration ang school if alam nila situation nyo..