Nanganak ng may sobrang manas

Sino po dito nanganak ng normal delivery na manas yung paa gang binti? mas mahirap po ba? ano po effect? nakakatakot kase pag sa google. parang d nako magigising haha

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy para sakin normal lng at Hnd delikado kase ako simula sa panganay at bunso sobrang manas nako 7months palang tummy ko manas na manas nako lalo na nung ka buwanan ko mas grabe ang manas para na nga daw elepante ang mga binti ko😅 awa ng Diyos naipanganak ko sila normal delivery dahil sobrang liit ng mga baby ko nung pinanganak ko sila🥰 at hnd ako nahirapan mag labor hnd din ako hirap manganak im 35yr.old na nanganak sa bunso ko lahat po normal delivery🙏🏻ang sabi sabi kc ng iba pag manas ka mahihirapan ka manganak at manas din daw si baby😂 pero hnd po yun totoo normal lng tlg sa buntis ang minamanas ng sobra basta alaga ka lng sa vitamins at mga gamot na nireseta sayo ng OB mo☺️

Magbasa pa

normal lng yun mii.. nagmanas din paa ko after ko manganak induce labor kasi ako after 2 weeks nawala nmn lakad lakad ka lng konti tapus taas mo din paa mo sa gabi lagyan mo unan.. tapus babad mo sa mainit na tubig yung paa mo yung kaya mo lang ung init ha.. tapus lagyan mo asin effective sakin sana effective din sayo...

Magbasa pa
TapFluencer

ako mii sobrang manas pero cs mommy po ako. ang manas po is normal pero if meron po kayong pang check ng bp much better to check it from time to time. sabi ng ob ko hindi talaga matatanggal ang manas hangga't hindi ka makakapanganak. binigyan din ako ng pampaihi ng ob ko para matanggal yung mga excess fluid sa katawan ko ☺️

Magbasa pa

sakin mii after ko manganak tsaka ako nag kamanas. normal delivery din.kinuhaan ako ng dugo un pala may uti ako.naglast lang naman ng 1week ung manas kasi nag anti biotics ako.lakad lakad and elevate lang ung paa.mawawLa din yan sis😀

normal naman po. emergency cs po ako nung nov. 8. namanas paa binti at kamay ko pero nwala dn nmn sya ng kusa. elevate lng sa unan ung paa pag natutulog then paaraw sa umaga sinabayan ko si baby and kaen hard boiled egg lng po gnwa ko.

normal lang yang mamamanas ka mi. ganon saken, ang advice ng nurse saken kasi nakita nya yung sobrang pamamanas ng paa ko dapat daw pag matutulog or hihiga nakataas dapat yung baa dapat mas mataas sya sa balakang naten or tuhod

VIP Member

nagwalking ka ba momsh habang naka swero? while waiting for active labor? Ako kase nag manas paa ko sa sobrang palakad lakad ko habang may naka saksak na swero sakin. Normal lang daw yun lalo na kung naka induce.

malakas manakot si google mamsh hehe, normal lang po iyan, gamit po kayo ng compression socks, at kaunting exercise po everyday, pero mas safe po if konsult na rin po sa OB para sa mga lunas

VIP Member

Ilakad mo daw paa mo ng walang tsinelas sa labas na tirik yung araw. Myths lang naman, pero kung kabwanan mo na at nag mamanas ka sign din na malapit kana manganak.

normal lang yun sa buntis. wag mo po takutin sarili mo. ako nun wala ko paki sa manas ko,pinapahilot ko lang palagi sa partner ko. tapos wag ka tayo at lakad ng matagal.