Firsttimemom

Sino po dito breastfeeding pero dipo tabain si baby? Yung akin po kase pure bf naman po sya pero di nataba, napaparanoid kase ako diko alam kung diba sapat yung nakukuha sakin ng anak ko😢 sabi naman ng iba i mix ko daw para naman lumobo pero ayaw nya sa bote kahit anong pilit ko😪

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mi, baby ko din po di din tabain. Pinanganak ko sya 2.1kg lang sya, kada check up nya sa center lagi po syang underweight, na paranoid na din po ako nun kasi malakas naman gatas ko gusto ko na din imix feed baby ko kaso ayaw nya din sa bote. Kaya tinuloy ko na lang ebf ko nung nag 4 months na sya nakahabol na timbang nya po, ngayon mag 5 months na po baby ko medyo nabigat na din po. Kaen ka po more on green leafy na gulay yun po kasi sabi sakin ng midwife at nag vitamins din po ako, kasi ang LO ko ayaw nya ng vitamins nya sinusuka nya.

Magbasa pa

Hello mommy, same tayo hindi rin tabain si baby ko 4mos na sya ebf sya ngayun kasi pahaba sya matangkad sya hindi sya pabilog pero yung weight nya ay ok naman hindi rin sakitin. Ang tawag ng mga matatanda sa ganung katawan at pesigan. Yun bang payat sya pero siksik at mabigat sya pag binuhat ♥️ Kaya wag ka mag alala mii kung hindi mo makitang tumataba ng bongga si baby as long as healthy sya at nag gagain ng weight na pasok sa normal weight base sa age nya 🙂

Magbasa pa

Hi Mi, di po talaga nakakataba pag BF ang baby, yung anak ko 2 1/2 sya sakin lang nadede na stop lang nung nagbuntis ako ulit. Good thing po di talaga sya sakitin. Di naman sukatan na healthy ang baby pag mataba or malaman. Hanggang ngayon petite lang baby ko 3yrs old na sya. Nakakatuwa lang kasi dumaan ang tag sipon halos lahat ng pinsan nya nagka ubo at sipon pero sya hindi talaga. Wag mo intindihin sasabihin ng ibang tao.

Magbasa pa

breast milk is the best milk for babies. why naman mag mix feed kung kaya mo naman magpadede ng bata. it doesn't matter kung di tabain ang anak mo as long as walang sakit. meron sadyang mga bata na kahit anong dede kung nasa lahi nyo or ng tatay nya ang ganyang body build e posibleng mamana. basehan ng pagiging healthy e ang weight ni baby base sa edad hindi sa kung mataba o payat.

Magbasa pa

hi momi! Wag mo stress ang sarili mo 😌 Di talaga tabain pagka BF baby ☺️ or kung meron man na tabain eh depende sa genes din ni baby. Si LO ko po 3yrs EBF pero never tumaba hehe kahit pa nga kompleto ng vitamins and kumakain ng rice. Basta po di sakitin si baby ok na (actually mas ok talaga hehe) Strong naman ang immune system ng mga BF babies tapos iba pa ang bonding nyong mag mommy 🥰

Magbasa pa

mommy hindi po talaga tabain masyado ang mga EBF Pero mabibigat po sila .. basta hindi underweight si baby ok yan.. consult din Kay Pedia kung within normal range ang weight🥰 wag ka susuko mi Pag nag mixfeed ka lalo hihina ang milk mo.. saka malalaman mo naman sapat ang pinapadede mo based sa output niya sa diaper.. madami ba magwiwi?.. -10mosEBFmommyhere

Magbasa pa

baby ko naman purong bf din tumataba naman siya. siksik yung pag kataba nya. ayos sa timbang. Mas maganda nga mamsh continue mo lang bf if wala naman ikaw ginagawa sa bahay hanggat kaya mo i breastfeed gow lang. anak ko breastfeed sila at kung magkasakit man once a year lang pero malakas ang resistensya ng katawan. 😅tuwing January may trangkaso then after nun wala na.

Magbasa pa
VIP Member

Hello. Hindi talaga nakakataba ang breastmilk. It's your choice kung gusto mo EBF or Mix Feed. Don't be pressured to follow others opinion. Kung hindi naman sakitin si Baby wala namang problema kahit hindi mataba. Mas delikado nga kung mataba eh. Consult the Pedia kung need ba i-mix feed ng anak mo.

Magbasa pa

Si baby ko ebf for 2yrs 5mos and counting.. Hindi din tabain.. 1. Hindi kame tabain ni H, maliit kame so normal na maliit din si baby asa genes ba. 2. Though d tabain, pasok naman sia sa recommended weight and never naging sakitin, very active and smart. 🥂

hello po aq 3 buwan lang nag bf.kz bmlk aq sa wrk so formula na c baby eversince kht bf aq or formula d na talaga tabain baby ko.pero d ko naman big deal un as long as healthy sya at wala sakit. mataba nga anak mo sakitin naman so wala din...