16 Replies
Mas mainam mam na makuha mo muna yung maternity claim mo saka ka magresign, mas malaki kase makukuha mo eh pag ganun. Saka pag working ka yung company ang magpaprocess sayo nun, wala pang 1 month makukuha mo na dapat yun kung ipaprocess na nila. Pero pag ikaw mismo yung mag paprocess, mag aantay ka pa lumabas si baby para makuha yung claims mo.
Hingi ka po ng form sa hr nyo tas pasa ka po ng ultrasound nya sila na po nag aayos nun sakin , tas inabonohan din ng company namin bago po ako nag leave nakuha ko na po 😊 wag ka muna magresign, pag nagresign ka matagal bago mo makuha mga 3mons pa ata ganun kasi sa kawork ko nagresign siya
Ako nag file ako after ko na mag resign. Ang kukunin mo nalang sa company mo is LS 501 ung latest and certificate of separation pero kakailangan mo pa naman yo after mo mag pasa ng notification sa SSS may ibibigay sa sss na listahan. Importante makapag file ka muna ng notification sa sss.
saakin this week lng ako nag pass ng mat1. nag resign ako sa work last month lang. wla nmn hiningi na khit ano sa past work ko . basta ung ids lng ung ultrasound at ung form.. pinapabalik ako pag nanganak n ako pra sa mat 2... Jan 2020 pla ako manganganak.
Ok na po. Nakapagfile na ako ng MAT1 sa sss after ko magresigned. Madali lang naman po, ang medyo hassle ay yung requirements sa MAT2 kasi kelangan ko talagang hingin sa former employer ko yung mga requirements.
Much better po na mag file na po kayo ng mat1 sa company nyo para sila na po mag process nun. Kasi ako nag file na po ako ng mat1 sa company namin nung 6months na ako. Then ngayon po wala na ko sa company namin.
Kung mag voluntary po kayo ng hulog, punta lang sa nearest sss office then dun kayo magbabayad. Wala na po silang hinahanap pa. Basta before manganak dapat makapag file po ng maternity notification kay sss.
Hindi po ako sure. Dapat po kasi makapagnotify then tuloy2 ang hulog nyo. In my case kasi employed ako until may this yr. Magvoluntary sana ako pero nung nagfile ako sa sss for mat1. Sabi naman ni sss eligible ako kahit wag ko na hulugan muna kasi di rin naman macredit yun. Dec po ako manganganak.
pag nag resign napo kasi kayo , hnhingian pa din nila ng coe , ako po january pako nag endo sa.work ko tapos nag file ako ng sss ng june , ksama sa requirements sa mat 2 ang coe
Ideclare mo na ang pregnancy mo sa SSS at sa employer mo. Mahirap maglakad ng papeles ng buntis ka plus mas mainam na habang nasa company ka at may sweldo ka ay maiayos mo ito.
Kung nagwowork po kayo mas mabuti pong kumuha po kayo ng MAT1 form kc need po ng sign ng employer mo yun bago mo ipasa sa SSS. Ganon po ginawa ko.
Selyn Rubite Morris