Problema Sa Pagpa Rehistro Kay Baby
Sino po may alam dito about po sa pagpa rehistro kay baby after giving birth, kasi po sa case ko, taga ibang bansa po papa ng bby ko at d pa po kami kasal, gusto namin na apelydo nya gamitin ni baby pag labas, so pumunta po ako sa munisipyo at ayun na nga po kailgan ng partner ko mag bigay sa embassy natin ng AFFIDAVIT OF ADMISSION OF PATERNITY sa embassy, tapos sila na po bahala sa lahat at pag na bigay na sa kanya ang authenticated AAP at certificate of registration ipapadala nya na po dito sa pinas, at ako na naman mag asikaso sa PSA, ang tanong ko lang po pwd ba na copy lng ng passport ni partner ipakita sa hospital para magamit agad ni baby ang kanyang apelydo? Tapos yung ibang mga requirements ipahabol nalang.. Sana po may makasagot, kabuwanan ko na po kasi ngayon.. EDD ko ngayong 27 na po..
Ang suggestion ko po, itanong mo yan sa hospital kung san ka manganganak if tatangapin nila yung passport para magamit surname ng partner mo then dumiretso ka sa PSA or tumawag ka sa PSA para itanong yung ibang process. Kasi meron ibang ospital na hinahanap talaga yung certificate of marriage or marriage contract bago gamitin surname ng tatay.
Magbasa pa
munchkin inside my tummy❤️