Problema sa mother in law

Sino may ganitong in laws especially sa mother.. Mabunganga, intrimitida at pakialamera. Lagi siyang pasigaw kung magsalita, lahat ng bagay papakialamanan niya, ni ultimo paglilinis at pag aayos ko ng kwarto namin ng asawa ko at paglalaba ko meron siyang say nakakastresa na minsan, lalo na maselan ako magbuntis. Meron pa yung time na ang aga aga kakatok yan sa kuwarto, papabangunin niya ako pilit maglakad lakad daw, sabi ng OB ko bawal muna kasi mababa si baby, nakunan na kasi ako sa unang pagbubuntis ko kaya dobleng pag iingat yung ginagawa ko ngayon sa pangalawang pagbubuntis ko. Kaya lahat ng sinabi ng OB na bawal hindi ko talaga ginagawa, tapos ikukumpara niya ko sa ibang nagbuntis lalo na sa mga ibang manugang niya, si ate mo ganito hindi naman siya ganyan, sinusunod niya yung sinasabi ko, maayos naman siyang nanganak, kesyo ganto, kesyo ganyan. Hindi ako sumasagot, hindi ako nagsasalita, iniiyak ko na lang minsan. Ilang beses na din naming pinaliwanag sa kanya yung sitwasyon ko pero di niya kami maintindihan.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dahil bahay niyo yan, patirahin niyo na lang mother in law niyo sa iba niyang DIL 🤷🏻‍♀️ Kung hindi pwede, sabihan mo asawa mo, I mean lahat ng ginagawa ng MIL mo na nakaka-stress sayo sabihin mo lahat sa asawa mo, at siya ang papagproblemahin mo sa nanay niya, wag mong iyakan ang MIL mo. Tapos ikaw, iwasan mo MIL mo as much as possible.

Magbasa pa
4y ago

Wala ka nang magagawa kundi pagaralan kung paano maging indifferent sa mga sinasabi niya.