Problema sa mother in law

Sino may ganitong in laws especially sa mother.. Mabunganga, intrimitida at pakialamera. Lagi siyang pasigaw kung magsalita, lahat ng bagay papakialamanan niya, ni ultimo paglilinis at pag aayos ko ng kwarto namin ng asawa ko at paglalaba ko meron siyang say nakakastresa na minsan, lalo na maselan ako magbuntis. Meron pa yung time na ang aga aga kakatok yan sa kuwarto, papabangunin niya ako pilit maglakad lakad daw, sabi ng OB ko bawal muna kasi mababa si baby, nakunan na kasi ako sa unang pagbubuntis ko kaya dobleng pag iingat yung ginagawa ko ngayon sa pangalawang pagbubuntis ko. Kaya lahat ng sinabi ng OB na bawal hindi ko talaga ginagawa, tapos ikukumpara niya ko sa ibang nagbuntis lalo na sa mga ibang manugang niya, si ate mo ganito hindi naman siya ganyan, sinusunod niya yung sinasabi ko, maayos naman siyang nanganak, kesyo ganto, kesyo ganyan. Hindi ako sumasagot, hindi ako nagsasalita, iniiyak ko na lang minsan. Ilang beses na din naming pinaliwanag sa kanya yung sitwasyon ko pero di niya kami maintindihan.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung naka tira kayo sa bahay ng byanan mo bukod nalang kayo kaysa na sstress ka ganyan ung akin pinag kaiba ngalang plastic silang lahat talikoran kung mag salita 😄 kaya bumukod kami kasi dahil mga plastic sila inggitira pa mga yan HAHAHA mga bwesit 🤣 ikaw nalang umiwas if naka bukod na kayo pero ganyan padin ginagawa niyan kausapin mo asawa mo at siya mag sabi sa nanay niyang pakialamira sakin sinumbatan ko ung nanay ng asawa ko dahil sumosobra na sa pananalita sakin debaling sabihan nila ako ng bastos ako HAHAHA kaya di nila ako mahawakan sa leeg dahil di ako pumapayag na ganun ganunin nalang pamilya lang sila ng asawa ko at never ko silang magiging pamilya 😊 yan tinatak ko sa utak ko dahil ano mang yare anak at anak nila kakampehan nila pag nag away kayo kahit pa mali ng anak nila 🤣 siya at siya ang kakampehan kunware kunware lang mga yan na concern sayo🤣

Magbasa pa

Dahil bahay niyo yan, patirahin niyo na lang mother in law niyo sa iba niyang DIL 🤷🏻‍♀️ Kung hindi pwede, sabihan mo asawa mo, I mean lahat ng ginagawa ng MIL mo na nakaka-stress sayo sabihin mo lahat sa asawa mo, at siya ang papagproblemahin mo sa nanay niya, wag mong iyakan ang MIL mo. Tapos ikaw, iwasan mo MIL mo as much as possible.

Magbasa pa
3y ago

Wala ka nang magagawa kundi pagaralan kung paano maging indifferent sa mga sinasabi niya.

Sobrang blessed ko mamsh kasi mabait mga in laws ko never ako nakarining ng masama sa kanila at grabi kung umasikaso daig pa tunay na parents ko❤️ sa case mo mamsh dapat mag usap kayo ng asawa mo at mother in law mo nakakastress kaya yang pinipilit ka sa ayaw mo tas buntis ka pa😔 usap lng talaga solusyon dyan mamsh.

Magbasa pa
3y ago

Buti ka pa mamsh. Sa mga magulang ko di ko man naranasan masigaw sigawan. Kung paano tinanggap at minahal ng magulang ko yung asawa ko, sakin di ko man yun naranasan sa nanay niya. Sobrang hirap pakisamahan.

Bumukod po ang ultimate solusyon. Either po nakikitira kayo or sina inlaws ang nakikitira, it is always best, to leave and cleave. Regardless kung mabait o hindi ang relatives, bumukod, kasi po gumagawa tayo ng sarili nating family. 😊 Mahirap ng changes, pero it's all worth it. 😊

TapFluencer

sabihin nyo rin po sa asawa nyo kasi ang hirap kayang magbuntis tapos mastress kapa kawawa nmm si baby mo pag palagi kang iiyak pray lng mommy matatapos din yan malagpasan din natin lahat ng yan ingat po 😊

If I were you sis uuwi ako sa pamilya ko. Masstress klng pag jan ka magstay. Baka ano pa mangyari sa inyo ni baby mo.

TapFluencer

mas better nlang po na nag bukod kayo ng malayo sa kanila

3y ago

Actually po gastos po naming mag asawa tong bahay. Kami po yung nagpatayo, Lupa po nila..

mgbukod po kau Ng bhay Ng mr.mo pra wlang mangingialam

3y ago

paalisin mo yan pag usapan ninyo ng asawa mo aba apaka swerte naman na ng pamilya niya ngay ikaw kawawa jan pati anak mo nadadamay 🥴 mamas boy ba ?

Mommy bumukod kayo kasi hindi kayo matatahimik.

3y ago

hindi kasi namin kakayanin magrent or bumukod ulit sa ngayon kasi, nagresign ako sa work, asawa ko lang may trabaho ngayon. Tsaka po mommy, itong bahay kami pong magasawa ang gumastos, kami po yung nagpundar 2015 pa. Lupa po ito ng biyenan kong lalaki, yung bahay kasi nila, binigay na dun sa dalawa pang kapatid ng asawa ko hinati lang yun para maging apartment type, Kaya nasamin sila.