Pa advice naman mga momshies and daddyss dyann.

Sino dto yung mister nila nasa abroad? Tapos yung mga kawork nya sasabihin nya di nya kaclose tapos ilang beses lumalabas ng kasama sila ng hinde sinasabi or nagpapaalam sakin. Or sasabihin man lang tapos na. Tapos sasabihin sakin wala daw ba sya karapatan umalis or magdesisyon mag isa? Like what? Asawa nya ko dba. So karapatan ko malaman mga ginagawa nya dun. So fast forward last month umuwi sya dto sa pinas sa sobrang curious ko sa mga ktrabaho nya since di nya friend sa msngr at whatssup ang gamit tinignan ko whatsupp nya. Tas nakita ko yung isa sa mga ktrabaho nya na babae sinesendan nya ng porn at isa sa mga ktarabaho pa nya na babae tawag ng mama... nainis ako sa mga nabasa ko at nagalit sya. Dko na man daw sila kilala para husgaan. So wow. Pinagtanggol pa nya mga ktrabaho nya right. So sge hinayaan ko. May tiwala ako eh. Fast forward ulit tapos na bakasyon nya at balik na sya ulit doon. Sa mga unang araw okay naman kami pwro 2weeks lang lumipas back to normal nanaman sya. Dry na naman wla nanamang kibo tapos kahapon habang nakabreak sya. Binilhan pa nya ng pagkain yunh kawork nya sabi lalaki kasabay nya magbreak ngayon pala yung tinatawag nya mama ang kasabay nya. Tas nilipat pa nya pwesto ng cp nya habang kavideocall nmin sya ng anak nya. Tas narinig ko tinawag syang baby.. so ano sa tingin nyo magiging reaksyon ko? Tapos kitang kita at halata pa sa mga mata nya khitdi sya magsalita na nagssignalan silaaa... ano pwede gawin or sabihinnn? Ang sakit lang sa loob na naalala ko. Sorry daw di daw sya perfect na tulad ko na sinasabi lahat. Kasalanan ko ba yun? πŸ₯ΊπŸ₯ΊπŸ₯Ί

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ginawa pa excuse na hindi siya perfect kaya nakagawa ng mali πŸ™„ Very wrong.. Hindi rin perfect ang husband ko pero never siya nag entertain ng ibang babae (5yrs na kami). Sinabi ko before kami kinasal na once he cheated tapos na ang lahat hindi ako marunong mgpatawad at isa pa kapag nagawa na uulit-ulitin nya lang once pinatawad mo (siguro may iba sincere pero ewan ko lang) LDR kami most of the time wala din ako access sa social media niya wala kami pakialaman ng phone pero malaya akong nakakahawak sa cp niya kung gusto ko, ayaw din kasi ng mga lalaki na pakialaman sila (also me) parang nkakasakal. I trust him pero may mga pangamba pa rin ako na what if may iba siyang babae dahil natukso, iniisip ko nlang hindi siya kawalan kahit pa may anak kami kaya ko siyang iwan and I can stand on my own.. Sa unang story mo ang pagkakaintindi ko is parang nasasakal siya sayo na bawat kilos niya dapat ipaalam sayo kaya siguro ayaw nlang niya mgsabi or mgpaalam sayo siguro may intance na nag over react ka sa kanya kaya ayaw na nya mgsabi pero hindi parin yun dahilan para magentertain siya ng ibang babae.. Yung husband ko hindi rin lahat ng kilos niya sinasabi nya sakin pero nagsasabi nman siya. Wala nga halos good morning/night haha kanya2 buhay pero hindi ko nman pinapabayaan husband ko to the point na feeling niya wala siya asawa.. Mag-usap kayo ano plano niyo, confront him. It's not good for a child to grow na may iba ang tatay niya (iisipin ng bata na hindi kayo mahal kasi may iba tatay niya or iisipin nya na ay OK lang pala ganun may ibang babae). Palagi niyong pag aawayan ang issue na yan kasi nasira niya tiwala mo, unless e settle niyo at willing si husband mgbago.

Magbasa pa
3y ago

πŸ₯ΊπŸ˜’