...

Sino dito yung 2nd wife ng hubby nila tapos may anak sya sa una nyang partner? Panu itreat ni hubby nyo yung anak nya sa una? Kasi yung hubby ko may 2 syang anak na babae sa una. Para kasing wala syang amor sa mga bata. May anak kmi isang babae at 7months preggy ako. Lahat ng hingin ng anak namin ibinibigay nya samantalang yung anak nya sa una madalang nya bigyan minsan hindi pa. Nasa side nung girl yung 2 bata. Friend naman nya sa facebook yung 2 nyang anak pero di naman nya kinakamusta. Ako pa yung magmemessage sa mga bata kunwari ako yung papa nila. Naaawa ako kasi parang napakaunfair naman. Pagnagbabaksyon dito samin gusto nya lagi pauwiin. May ganun ba talaga? Ayoko kasi na lumaki sila na may tampo sa papa nila. Lagi ko rin naman sinasabihan si hubby pero ganun pa din. Sabi pa nya lagi kaya sya nagkaanak dun sa girl kasi dala ng talanding panahon. Ano opinyon nyo mga momsh.?

49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

2nd partner here (ksal sya sa una) may 2 grown up boys sila at may 3 month old baby boy kmi..sobrang spoiled ung 2 grown ups nya and nkikita kong mgging gnun din sya sa baby nmin ☺

3rd wife here..so far, di nag papabaya si hubby sa mga nauna nyang anak and if ever nakakalimut sya nireremind ko naman sya.. para naman sa bata yun eh 😊

Ikaw n lng mg send ng gifts dun sa bata kunwari galing sknya para di naman nila ma feel na nkalimutan sila. Wg mo n lng ipilit n mgka amor ung tatay nila.

Salute mamsh... Ang bait mo as a stepmom. Ako may stepmom at dun ko masasabi na totoo yun nasa fairytale, may mga wicked stepmother talaga 😥😥😥

Para sakin sis mali ung trato nya sa mga anak nya sa una pero satingin ko kung bakit sya ganun is ayaw nya na magkulang sa anak nyo at sayo mismo momshie

5y ago

Pwede namang hindi magkulang sa lahat ng anak diba?

Di ko alam kung anong trip mo. Unang una may nanay yun. Hayaan mo sila. Pamilya mo ang intindihin mo. Hindi mo na problema yan.

5y ago

Hndi to mahal ng papa nya nung bata sya . kaya ganyan 🙄 utak lugaw .

mas focus na kasi kayo ni hubby mo, as long naman nagagawa nya responsibilidad nya as a father sa unang anak nya. wala ka dapat isipin

Actually ako ang first wife hihi kasi ako ang pinakasalan. Though may anak sya sa ex gf nya. Responsable naman si hubby ko nakakatuwa.

Magkaiba po ang husband & wife (married) sa partner (not married). Be grateful na nasa inyo ang attention ni guy.

Buti k pa naiisip mo iba niyang anak.. hehe Tama nmn n para d mag tanim sama luob ung Bata. .