...

Sino dito yung 2nd wife ng hubby nila tapos may anak sya sa una nyang partner? Panu itreat ni hubby nyo yung anak nya sa una? Kasi yung hubby ko may 2 syang anak na babae sa una. Para kasing wala syang amor sa mga bata. May anak kmi isang babae at 7months preggy ako. Lahat ng hingin ng anak namin ibinibigay nya samantalang yung anak nya sa una madalang nya bigyan minsan hindi pa. Nasa side nung girl yung 2 bata. Friend naman nya sa facebook yung 2 nyang anak pero di naman nya kinakamusta. Ako pa yung magmemessage sa mga bata kunwari ako yung papa nila. Naaawa ako kasi parang napakaunfair naman. Pagnagbabaksyon dito samin gusto nya lagi pauwiin. May ganun ba talaga? Ayoko kasi na lumaki sila na may tampo sa papa nila. Lagi ko rin naman sinasabihan si hubby pero ganun pa din. Sabi pa nya lagi kaya sya nagkaanak dun sa girl kasi dala ng talanding panahon. Ano opinyon nyo mga momsh.?

49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I don't think it's because of talanding panahon. May 2 kids na sya pero ganon ung reason nya. Nakakasad naman kase ako lumaki akong walang magulang kaya i know how it feels kung ganan sya sa anak nya. Napakaconsiderate nyo po ate sa feelings ng 2 nyang anak sa unang asawa.

soon to be 2nd wife, or single mom medyo complicated kasi foreigner bf divorce na yung partner ko sa 1st wife nya inilayo saknya anak nya for 2 yrs. hindi din sya kinontak. recently lng nagparamdam mahal namn ng partner ko yung 1st anak nya

I salute you mamsh kasi may concerned ka rin sa mga bata. Try to persuade din po sa hubby mo. Dapat maging ama din sya sa dalawang girls. Nakakalungkot naman na dapat first love nila yung daddy nila, parang di pa sila inaaruga ng maayos.

sanaol ako nga eh di ma chat ng tatay ko kasi pinag babawalan ng misis hehe diman ako nag hihingi kahit kumustahin lang ako diman lang magawa pero okay lang God knows what i fel and i hope Okay lang sha ngayon at ang missis nya hehe

VIP Member

Pareho tayo situation momsh ang pagkakaiba lang is di niya kayang tiisin ang 2 anak niya. Masyado din kasi demanding ang ex partner. Halos lahat na nga ang asawa ko nagpprovide sa mga anak nila. Feeling nya asawa pa rin nya asawa ko..

5y ago

hndi kayu parehas ng sitwasyon . yung nag post open minded at may concern sa mga bata. Ikaw sarili mo lng iniisip mo . obligasyon ng tatay na ibigay lahat ng pangangailangan ng anak nya .

Buti nga po ang bait nyo e ung stepmom ko napaka selosa samin pero ung papa ko talagang tumatakas at gumagawa ng paraan para makita kami at mabigyan ng pera. Pano natitiis ng hubby mo ung anak nya grabi naman sya. 😔

same poh....4 anak ng hubby k sa una...1st baby k poh toh..buntis plng ako...nkaka selos ung nraramdn ko poh ngaun....hnd dapat kaya lng ewan koh ko poh...ako ung ngseselos para sa anak nmin laban sa mga anak nya.

Salute to you mamsh..ksi mas naiisip mo ung kpakanan nila kesa sa hubby mo..sna marealize din ni hubby mo ung equal treatment ksi tama po kayo nkakaawa nmn ung 2 at pwede din nga sila mgtampo..godbless mommy!😊

VIP Member

Saludo ako sa ginagawa mo na para lumapit ang loob ng anak nila sa papa nila at hindi magtanim ng sama ng loob yung mga bata. Sabihan mo na lang si mr mo na wag naman ganun kasi anak naman niya yun

VIP Member

Dmu nman po mapipilit ang husband mo, d rin natin alam kun anung side ng husband mo, cguro po kun anu na lang ung mgagawa mo pra sa 2 nia anak, help mo rin kht papano wla nman po msama