IPAMIGAY ANG MGA ASOðŸ˜
Sino dito mga tinuturing ng pamilya ang alagang aso? Kapapanganak ko lang mga mommies, ngayon lilipat na kami ng inuupahan na bahay at sa lilipatan namin na bahay, ipinagbawal n ni hubby na dalhin ko ung mga aso dahil nga kay baby, baka mapano pa daw si baby pag may aso sa loob ng bahay. 3 chihuahuas po ang alaga ko pero ung isa pilitin ko nalang sa kapatid ko na kunin na para kahit 2 nalang alagaan ko, at di nrin maharap sa bahay mag alaga ng aso at wala rin nmn silang kahilig hilig. Bale ung tinitirhan po namin maliit lang at para mkaiwas sa aso ung baby namin, inupahan muna ni hubby ung katabing room para dun nalang kami matutulog ksama si baby para nakahiwalay sa aso., pang kwarto lang tlg ung room. Kawala lang kasi mga aso nmin sa bahay pero di nman sila nagkakalat ng tae o umiihi sa loob. Pag sumisilip sila dto sa pinto ng room namin, binubugaw ni hubby. Sinisilip lang nmn nila ako kasi tagal nila akong di nkita at madalang nalang nila akong makita sa isang araw ksi nkrest pa ako. Para ba silang mga ligaw na aso na nakatanaw sa pinto ng room namin. Sobra sobra akong nasasaktan at naaawa sa kanila. Sabik lang nman sila. 1buwan lang binigay sa akin ni hubby para maipaalaga sila sa iba bago kami makalipat. Di ko alam gagawin ko kasi nung wala pa si hubby sa buhay ko, (independent kasi ako malayo sa pamilya at wala talaga akong kasama na pamilya sa lugar na pinag tatrabahuan ko) - - ung mga doggies ko na ung naging pamilya ko at ksama ko sa araw araw, Kalahati n sila ng buhay ko ai. Kaya talagang sobrang sakit sa kin, di ko alam gagawin ko. Wala na akong ibang maisip na pagbibigyan sa knila kasi iniicp ko palang n mabalewala sila, sobrang sakit na sa akin. Wala narin naman kaming makitang mas malaking bahay na malapit sa work ni hubby. Paadvise naman po mga mommies kung ano ba dapat kong gawin? (habang tinatype ko to, di ko po mapigilang umiyak. ðŸ˜ðŸ˜ Nasasaktan tlg ako 💔😥)