Dog while pregnant

Okay lang po mag-alaga ng aso sa bahay while pregnant? Sabi po kasi ng byenan ko wag daw po muna ko maghahahawak ng aso. Eh may alaga po kami. #pregnancy #1stimemom #advicepls

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pagkabasa ko ng title, akala ko about doggy style position while pregnant. πŸ€£πŸ˜… Anyways, yes ok lang naman basta wala ka po allergy or hika. Pero for me, less contact na lang sa dog po. Ako kasi mas naging prone ako sa allergy simula nagbuntis. Dati hindi naman pero ngayon sobrang nattrigger allergy ko kahit onting dust or irritant lang.

Magbasa pa
4y ago

Akala ko rin. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

opo naman. yung japanese spitz ko tumatabi yun sakin matulog nung buntis pa ako. Yan din sabi ng hilaw na byanan wag daw ako masyado maglalapit Kasi baka maging aso baby ko hindi naman naging aso baby ko ngayon. close nga sila ng aso ngayon😊 may good side naman Kasi naiidulot ng dogs towards human. so no worries po

Magbasa pa

ako walang naging problem. pambahay Kasi tlga yung aso namin + sa kwarto natutulog (sa floor) so never kong naisip na dapat mgbago setup namin. same with cats. ang iniwasan ko lang talaga eh paglinis ng litterbox. Sabi ko nalang sa hubby ko, training nya Yun pag siya na tigalinis ng poop ni baby πŸ˜‚

sabi sa article na nabasa ko.. ok lang naman may pet.. wag lang yung ikaw maglilinis ng poop and wiwi nila kasi parang may toxins or something dun,(nalimutan ko tawag) na bad for your baby.. keep your dogs maintained na lang and have someone to do the cleaning job 😊

Ok lang po as long as di nya/nla inaapakan ang tyan mo. Ako po kc mahilig mag yakap at matulog sa ibabaw ng tyan ko ung mga dogs ko kaya ngaun na buntis ako, binawalan ko muna cla kasi ilang beses na nilang nipakan ung tyan ko during my first trimester.

VIP Member

sakin naman po ok lang lalo na po ang katulad ko na naiiwan mag isa sa bahay kasi stay in asawa ko ganyan lang siya palagi binabantayan kami ni baby pagpupunta akong cr sinasamahan niya pa ko

Post reply image
VIP Member

pwede naman po as long as clean sila. i have two dogs and i am currently 32 weeks pregnant. just dont strain yourself with them, no more bath time or carrying them around... 😘

Post reply image

okay lang. as long as wala kang allergy or hika pwde naman. 😊 wish mo lang na paglabas ng baby mo eh di maging maselan para di niyo pamigay mga dogs nyo.

ako may alaga shitzu pero dko na po sya pinapatulog ngayon sa tabi ko sa baba na lang sya. kase inaaallergy na ko simula nung nabuntis ako.

okay lang may pet na Dog. mas nagiging protective cla while buntis tayo at dahil yan sa hormones natin. Alam nila andyan c baby. 😊❀️