44 Replies
March 17 pa Sana EDD ko mommy..pro March 10 lumabas na c baby via normal delivery..inadvice sakin ng OB ko na magpainduce ako,d na hinintay Yung 40th week ni baby Kasi baka mas lumaki cya sa loob tas mahirapan akong ilabas cya normally.. Talagang masakit cya pro praise God nakaraos din☺️☺️ Continue ka lng ng daily walking routine mo momsh tas more prayers kailangan😄😄.. iba din talaga Kasi power ng Prayers😋😋
Khal, Nung pagka 35weeks ko nirequest ako ng OB magpa UTZ(obstetric ultrasound ata tawag dun) tapos ayun nakita na cordcoil si baby. Pero binigyan pa ko ni doktora ng 2 weeks para malaman kung iikot pa si baby. 37weeks ako pagkaultrasound ayun cordcoil padin si baby kaya pinagdecide na ko ng OB kung gusto ko ma CS or magtake ng risk kung inonormal ko. Nag decide nalang ako ma CS. Importante lang naman sakin ligtas si baby eh.
Sinabi ng OB mo yun? Makikita kagad yun sa ultrasound eh. If di ka comfortable sa OB mo better change your OB.
Same po tayo mommy ng edd, pero nung last check up ko sa saturday 1 cm palang. Nagzuzumba at squatting ako ngayon. Niresitahan din ako ng evening primrose. Kumain na rin ako ng pinya. So far hindi pa bumababa si baby. Ayaw pa ata lumabas. Sabi nga nila depende din kung kailan ready ang body natin manganak. Hindi ko nalang iniisip na sana manganak na ako. Hintay hintay nalang Pero continue pa rin sa physical activities.
Same 1cm din.. MARCH 18.. Nag te take din ako ng evening rose, Sana pag balik ko KY doc this Friday may improvement na.
Ako momsh march 11 ang duedate ko ginawa ko na lahat squatting lakad lakad every morning n afternoon uminom ng pineapple juice kumain din ng pinya... Until now taking oral and insert sa pwerta ang evening primerose at sinasabayan ko pa ng buscopan.. And yet no signs of labor prin 39weeks and 2days nako.. Hays close cervix prin...😞😞😞
Salamat momsh baby rica😊
EDD March 28. Nung March 3 open cervix na ko at 1cm. pero 36 and 4days pa lang ako non kaya nag bedrest muna ako para mabuo ko ang 37weeks, but today 37weeks na ko. Nag sstart na ko mag walking at uminom ng pineapple juice. tapos kapag nag lalakad ako medyo mabilis para matagtag. Makakaraos din tayo mamsh. 😊❤
madalas na paninigas ng tyan. tapos may part po kapag nagalaw si baby parang nahilab, parang mahapdi ung isang part lalo sa rib part. nag NST po ako kaya nalaman ko na may moderate contraction na ko. then pag ie po sakin 1cm po. lakad lakad lang po at squat mga momsh ❤❤❤
Ako edd ko april pero possible na march mommy din ako. Kasi pag 1st time mom daw ay advance sa edd nanganganak e. Hehehe di ako masyado na nagtatagtag like nagbubuhat or lakad ng lakad. Kasi pagpunta palang sa cr para umihi ay natatagtag nako. Akyat baba sa hagdan hehehe ingat ingat nalang para di madulas or what
Good luck sa atin sis😊
Edd ko March 10 kaso cordcoil si baby kaya di na ko umabot ng march. Inisched na ko ng CS last Feb 27 😊 sa awa ng dyos nakaraos naman kami ni baby. Masakit lang talaga sya di katulad sa normal delivery na mga kasabay ko sa ward pagkapanganak kinabukas nakalabas na ng ospital
Anonymous, Sinabihan naman nya ako na pwede daw namin itry mag normal kaso may possibility na masakal si baby habang naglalabor ako. Binigyan nya ko ng palugit 😅 1 week kung di padin ako maglabor tuloy na yung sched ko ng CS. Community hospital po kase ako nanganak. Walang bayad ang panganganak. Binigyan naman nya ko choice kung gusto ko lumipat ng ibang hospital eh kaso di na kase di din naman sure kung mailalabas ko ng normal si baby diba tapos malalagay pa sya sa alanganin. Wala nga palang fetal monitor ba ang tawag dun sa ospital na pinanganakan ko kaya ayaw na magtake risk ng OB.
ako mamsh sa wakas nkaraos ndin 38 weeks 6days, March 15 edd pero lumabas n sya march 6 via normal delivery.. goodluck sa ka team march ko kayang kaya nyo yan, kapag oras n talaga lalabas c baby kapag gs2 nya nagtake lang ako ng primrose for 1 week oral.
ilang capsul ng PrimeRose ni tatake mo daisy mommy?
Ako march 18,2020 EDD ko untill now 2 cm palang kung ano ano na din ginawa ko pero ayaw pa ata ng baby princess namin😊 sana makaraos tayong lahat ng normal delivery mga moms😊🙏
Same tayo sis March 20 din sana kaso lumabas na si baby nung March 2..walking and squatting lang pero di ko nagagawa lagi yun napaaga lang talaga paglabas nya. Buti di ako nahirapan 🙂 goodluck sayo!
3 kilo sis
MaRuth DS Gabato