SINGLE LADIES

SINGLE/ NA-GHOST/ NALOKO/ PINAASA KA NA RIN BA? Oo man o hindi, I think makakatulong ang limang payo na ito sa paghahanap at paghihintay mo ng tamang lalaki para sayo. ❤ 1. EKIS ANG PURO PA-POGI Oo minsan sa kapogian tayo unang naa-attract pero wag naman ito ang lagi nating i-consider. Aanhin mo ang pogi kung di naman tapat? Kung puro pa-pogi lang. 2. WAG PILIIN ANG LALAKING ATTRACTED LANG SA GANDA O KATAWAN MO Sa dami ng maganda at sexy sa mundong ito, talo ka kapag ang pinili mo ay ang lalaking top consideration ang ganda o katawan mo. Trust me, di yan makukuntento sa isa. Kahit maganda ka, for sure meron pa ring mas maganda sayo. Mas bet ko yung lalaking mas pinahahalagahan ang character at inner beauty ng babae. 3. WAG MAGPADALA SA SWEETNESS AT GIFTS Wag agad mahulog sa magandang pananalita, pa-sweet na gesture at kahit pa sa mga bonggang gifts. Wag agad magpapabola. Hindi totoong marurupok ang mga babae. Sabi nga, walang maloloko kung walang magpapaloko. Magpa-hard to get ka. Kilatisin mabuti. Wag basta-basta ibigay ang pag-ibig mo. Kung inaalagaan natin ang mga valuables natin like cellphone, wallet mas lalo nating dapat alagaan ang ating mga puso. Yan ang pinakamahalaga sa lahat. Hindi yan basta-basta nabubuo pag sobrang nadurog o nawasak. 4. WALANG PLANONG KASALAN, BYE NA! Ang end goal dapat ng boy-girl relationship ay marriage. Kasi kung hindi yan ang ending ng relasyon nyo asahan mo talagang hahanap pa yan ng iba. Pareho kayong mag-aaksaya ng panahon, energy at pera. Imagine, magiinvest ka ng oras, energy, resources at minsan kahit puri mo na di dapat, nabigay mo tapos ang ending ipagpapalit ka o kaya di kayo ang magkakatuluyan? Wag ganun! Magandang sa simula palang alam na ni boy ang patutunguhan ng relasyon nyo. Hintayin mo yung lalaking hindi ka lang basta jojowain kundi pakakasalan at mamahalin ka habang buhay. 5. YES SA INLOVE KAY LORD Ito ang bawal mawala sa listahan mo. Ito ang top 1 dapat. Ang lalaking inlove kay Lord. Yes may mga struggle sya, weaknesses at wrong choices but at the end of the day, babalik yan kay Lord at itatama ang mga pagkakamali niya. Dahil mahal nya si Lord, mag-ooverflow yan sayo. Mararamdaman mo yung pagmamahal niya sayo tapat, puro at walang bahid dungis. Pag nakita mo na yan, wag mo ng pakawalan. Hindi natin deserve maloko, ma-ghost at paasahin pero kung sakaling naging biktima na tayo let’s take that as a learning curve at wag ng umulit sa ganung lalaki. Wag madaliin at wag ipilit ang relasyon na wala pa sa panahon. Ipanalangin mo kay Lord, hingiin mo sa kanya. Kung magpapadalos-dalos ka, ikaw rin ang lugi at kawawa sa huli. Balang araw maiintindihan mo rin bakit ang tagal mong naghintay. #GuardYourHeart #SingleLadies #Naloko #Naghost #Pinaasa #MaamMamaPh

SINGLE LADIES
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Also, learn to love your own company! Do the things you love kahit mag-isa ka. Take yourself out on dates, and don't wait til you have a significant other before going after your goals in life. 'Wag matakot na mag-isa para hindi basta basta pumasok sa relasyon just because may nagpapakita ng interes.

Magbasa pa
VIP Member

Si Lord ang bahala. Keep on praying lang. Ako pinagpray ko Hubby ko kung sha na talaga.