Obimin plus
simula nabili ko yung obimin tiniis ko yung pagsusuka and sama ng pkiramdam ko hanggang gabi, i have 12 left mag iisang buwan ko na siya iniinom 2 months preggy nako. Pwede kayang every other day ko siya inumin? grabe kasi sa pakiramdan to the point na every night halos wala na ako mkain dahil sa feeling.
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Same po nung 1st trimester ko diko po talaga gusto yung epekto ng Obimin kase sinusuka ko po yung mga kinakain ko after ko uminom nun then sobrang sakit po ng sikmura ko pero inubos ko yung 1month tapos next check up ko pinapalit ko sa OB ko OBmom much better po kesa sa Obimin ☺️ 19 weeks nako dina nag susuka at gumagalaw na si baby excited na para sa gender reveal😅🥰
Magbasa paSa umaga ko yan iniinom after ng breakfast. Wala naman po nakakasuka. Baka hindi po yan dahil sa vitamins. Dala po ata yan ng pagbubuntis mo. Kain ka lang po ng healthy at more water para mabilis mawala ung morning sickness. Based lang po yan sa experience ko. Iba iba naman po ang paglili. Basta Healthy na pagkain at more water po.
Magbasa paAko sis after lunch ko siya iniinum pero may mga panahon na sumusuka talaga ako kaya ginagawa ko after inum kumakain ako something sweet. Isang box kasi nabili ng husband ko😭 kahit binigyan na ako ng prescription ng OB ko ng ibang vitamins kapalit ng Obimin.
same here momshie, panay suka ko dati sa obimin .. try mo inomin before ka matulog sa gabi. since nung iniinom ko siya before matulog hindi na ako nagsusuka.
pwede naman siguro momsh kasi ako ganyan din nakakairita yung feeling sa gamot na yan, minsan nalang ako uminom nyan or sa gabi mo sya inumin.
Ganyan din epekto saakin ng Obimin mommy. Pinapalitan ko. Imbis na makakain ako, lalo ako nasusuka kaya’t itinigil ko ang pag inom niyan.
Momsh may alternative naman yan. Ask your OB po. Nagtiis din ako before😂 Pinalitan naman ng ibang brand MamaWhiz. Maliit at walang amoy
Same experience and sakit sa sikmura pag nag take ng obimin so my Ob changed it to mosvit elite and felt way much better than obimin
Pwede mo naman papalitan ng ibang brand sa OB mo sis. Sakin Natalbes. Di sya nakakasuka unlike Obimin. :-)
Ubusin mo na lang mommy tas Pareseta ka ng ibang vitamins sa OB mo.
Proud CS mom