Si Mama ang masusunod"
Silent reader po ako sa page na to. Im 27 years old at may 1 year old baby. Ako po ay nakatira sa mama ko, kasama ang mga kapatid ko. Hindi po kami nagsasama ng bf ko sa iisang bahay. Dun siya umuuwi sa kanilang bahay, at every day off lang siya nagpupunta o umuuwi sa amin ng baby ko. Ayaw ng bf ko na tumira sa amin dahil nahihiya siya sa mama ko, at hindi siya komportable. May plano kami ng bf ko na magsama na, pero nung ipinaalam ko yun sa mama ko ay nagalit siya at sinabing hindi daw pwede dahil hindi pa daw kami kasal ng bf ko. Ipinaliwanag ko naman sa kanya ng maayos na need na niyang tanggapin na may sarili na kong pamilya. Gusto lang din ipakita ng bf ko na kaya niya kaming buhayin mag ina niya. Pero ayaw ng mama ko, gusto niya ay kung magsasama kami ay dun daw sa bahay namin. Naiisip ko naman na baka ayaw niya dahil malalayo siya sa apo niya, pero bibisitahin at magbabakasyon pa din naman kami sa bahay niya.
Gulong gulo na ko mga Ma.. Nagagalit sa akin ang bf ko, na dapat kami ang magdedesisyon para sa pamilya namin hindi ang nanay ko. Pag di ko naman sinunod ang nanay ko ay baka sumama ang loob niya sa akin. :(
Need advices lang po. Salamat.