Nakakastress :?

Si husband ko kasi puro nalang Mobile Legends ang iniintindi. Si lo umiiyak na pero hindi nya mabitawan ang cp nya dahil sa ML na yan habang may mga bagay din naman akong ginagawa hays. Then buing maghapon yun na lang ginagawa nya tapos magrereklamo sya sakin na hindi sya makatulog sa madaling araw kapag nagigising si lo. Nakakastress na mga momshies di ko na alam gagawin ko ???

77 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I feel you

Mag usap kayo..

naging adik na

Batukan mo.

Yung husband ko naglalaro din naman ng Mobile Legend pero nauutusan ko siya sa gawaing bahay. Kaya thankful ako sa mister ko.

yes

Mabuti na lang hindi ganyan hubby ko, kapag umuuwi siya dito sa bahay galing work hindi siya gumagamit ng Cp, Daddy's duty kasi every weekends weekdays work siya kaya miss na miss niya kanyang prinsesa pag uwi niya kakargahin niya agad. How lucky i am 😘

Kung ako sayo mommy habang bitbit mo si baby na umiiyak, tas ung partner mo ng ml tayo ka sa harap nya tas kunin mo cp nya ibato mo tas ibgay mo bgla si baby. Gulatin mo sya yung tipong di makakaimik

Nako yan lagi yung dahilan ng pagaaway namin. Simula nung pagbuntis ko. Lagi siyang napupuyat kakalaro tapos ang hirap gisingin sa umaga. Di niya narerealize yung masamang epekto sa knya sa pgpupuyat kasi ngiging mainitin ulo at naging tamad. pagmay gusto ka sabihin di mo nman sya makausap ng maayos kasi busy sa laro. Nasa iba focus nya.Okay lang naman sana mag laro para may libangan siya basta wag sobra sobra at dapat sa tamang oras. Kaso sa knya umaabuso pag pinagbibigyan ko mag laro. Di pa sya titigil hanggat di pako magagalit tapos sya naman magagalit kasi maliit lang naman daw na bagay tas pagaawayan pa. Sa sobrang inis ko lumayas ako sa bahay kinabukasan at di ko siya pinapansin. 😂 Iniwan ko yung cp ko para di nyako mahanap at macontact. Dun ako sa pinsan ko nagtago. Nung bandang hapon pumunta sya sa pinsan ko nagmamakaawa na sabihin sa knya kung asan ako. 🙄 Nagmamatigas ako pero si LO sa tyan ko sipa ng sipa. Namiss siguro si daddy niya at gusto sumama kay daddy umuwi. Pero pinauwi siya ng pinsan ko. Umuwi din naman ako nung pag gabi kasi ayaw tumigil pag likot ni baby which is very unusual. nadatnan ko sya sa kwarto nagdadasal at umiiyak😂. Tas ayun todo yakap sya sakin kala nya daw di na ako babalik. Kinikiss niya tyan ko tapos di na naglikot masyado si baby. Di ko na pinauninstall Ml nya ang sabi ko lang sa kanya makakapaglaro lang sya pag tapos na sya sa gawain at pag pumayag ako 😂

Magbasa pa

Layasan mo.. ganyan ggwin ko pag d rin nagbago bf ko.. pag nakapanganak.ako..naku talaga.. nakkastress nga..pero dedma lanh ako sa ngayon..pinagppasensyahan ko pa..

Magbasa pa