Should i be worried? Si partner kasi may unang asawa. Hiwalay na sila pero nagcocommunicate pa rin sila ng biyenan nya. Tinutulungan pa rin sya nito. Like pagbili ng damit nung naghahanap sya ng work, pagbigay ng money, and then ngayon nga may bago syang laptop. Although may laptop na kami.
Tuwang tuwa sya kasi high end yung kanya. Ako tahimik lang. Pero gusto ko syang tanungin bakit kailangan pa nyang lumapit sa biyenan nya?? Para kasing hindi pa nya naaalis na ganito lang ang buhay namin, simple lang. May kaya kasi yung una nyang asawa. At lahat ng gusto nya binibigay nito sa kanya.
Sa totoo lang napepressure ako na parang gusto ko ng mag ibang bansa para mabigay ko din yung mga binibigay din ng dati nyang asawa. Para hindi na nya kailangan lumapit don sa biyenan nya. ???
Anonymous