MAG STAY O MAGHIWALAY NA LANG?

Should I Stay or Hindi na? Mag stay pa ba ako alang alang sa anak namin o maghiwalay na lang kami? Ilang beses na kaming nag tatalo tungkol sa ugali nyang pagsisimangot, ako man o hindi ang rason basta bad trip sya nagsisimangot talaga sya wala syang pinipiling tao, lugar o panahon basta galit sya magsisimangot talaga sya kahit sa harap pa yan ng pagkain which is ang pinaka ayaw kong ginagawa nya kasi na sstress ako, pag may nakikita akong Nakasimangot sa paligid ko na sstress talaga ako, yung lahat ng problema ko naiiisip ko maski mga traumatic happenings na nangyari sakin lahat yun mag sisink in sa utak ko plus nahihirapan pa akong huminga. I've already talked to him a lot of times about my situation at yung issue ko sa pagsisimangot nya, sa unang mga araw, linggo o buwan okay sya iniiwasan nya talaga pero balik ulit s ganun. Di ko na mabilang ilang beses n naming pinagtalunan yan. Tbh yan ang madalas naming pinag aawayan maliban sa paglalaro nya ng online games kesa makipagusap sakin at magkaroon man lang kami ng quality time with our baby( 1 year old ). Sa chat kami nagtatalo kasi ayoko magusap kami verbally kasi baka tumaas boses ko at mawitness ng baby namin na nagtatalo kami na iniiwasan ko kasi auko matrauma baby ko. I chatted him kanina nakikipaghiwalay na ako pero ayaw nya. Di ko na talaga alam ano bang gagawin ko. Sumasakit na ulo ko, nahihilo at nahihirapan akong huminga sa stress na nararamdaman ko. Pinipigilan ko umiyak kasi auko makita ng family ko na nagtatalo kami, kasi panigurado papagalitan ako ng mother ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

help him sis.. gently remind him. dahan dahanin, Hindi Kasi yun magbabago agad agad. be strong para sa family mo sis.. wag Po agad mag gigive up. Pwede mag pahinga pero wag hiwalayan agad.