12 Replies
Totoo yan sis. Nasa baby talaga yan kung gusto na nyang lumabas o kung ayaw nya pa. Kahit magpaka-pagod ka kaka-lakad at squats, kung ayaw pa nya. Di talaga sya lalabas. Have patience lang. Ako 1 cm na, waiting nalang din pero naglalakad lakad pa din ako at squats kasi may benefits din yun.☺️
Depende din ata talaga kay baby. Ako tagtag ako. Ang baba na din ng tyan ko pero close cervix pa din. Nagtake na ko ng primrose 500g and 1000g pero close pa di. Btw, 38 weeks and 4 days na kami ni baby. Ayaw nya pa din lumabas. No pain and no sign ng maglalabor.
Sa 1st baby ko po i gave birth when she's 37weeks po. Lagi lang po ako nag lalakad every morning and afternoon. Mga 30mins to 1hr na lakad po everyday simula nag 7 months ako. Di naman po ako nag diet sa rice. Depende din talaga siguro sa baby.
38weeks & 6days na po ako , 1cm palng po ako payo po sken maglakad lakad dw po at kilos kilos ng mga gawaing bahay mababa na din po ang tiyan ko , payo dn po na mag diet na hehe malaki na dw po kasi si baby 😂
Same mami ako 2 weeks nang 1cm 39w2d na ko pero wala pading sign of labor. Halos 3-4 hrs nakong naglalakad sa mall tapos pag sa bahay todo mop and laba ako. Na kay baby talaga yan kung ready na ba siya hehe
Hahaha true. Pamangkin ng asawa ko nanganak sya by 37 weeks and 6 days laging nakahiga at tulog 😂 Ako grabe na tagtag ko pero ngayon 39 weeks na 'ko hahahaha wait na lang talaga natin si BabyLoves 🤣
Nagpatagtag po ako by walking lalo nung lagi na nahilab ang tyan ko at 2 cm na ang cervix ko. Pwede po maglakad lakad basta wala pa po tubig, less or no rice para po di sumama sa poop pag iri..
Ako tamad na tamad maglakad noon. Naglakad lang ako nung nag 4cm ako start ako ng 4:30pm gang 7pm tapos kinabukasan nanganak na ako.
Same. 39weeks 1 day, 1cm open still no sign of labor, lagi lang naninigas at feeling may labor pain. 😂
Opo dpende pa din po kay baby kc si baby po nagpupush dn tlaga palabas kya nag oopen ang cervix.