Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Got a bun in the oven
Ayaw Matulog
Hi mommies! Question po, i have a 4 month old baby. Hindi sya makatulog sa gabi ng derecho. He will feel sleepy then pag nakatulog sya, after 15 to 30 mins magigising na naman. He's like that hanggang 6-7am. Makaka tulog sya ng mga 6 or 7am until 4 or 5pm. Then nap nap na lang afterwards. Siguro all in all mga nasa 10 to 13 hrs lang ang tulog nya. Sobrang worried lang ako. Do you thibk nag aadjust pa din sya? P. S. I'm not drinking coffee or any drinks na may caffeine. Thank you.
Ayoko ma CS!!!
Hi mommies! I just want to share my story and birthing experience. I gave birth last march 8, 2020. ... I was 6 weeks pregnant nung nalaman ko na magkaka 2nd baby na kami. From week 6 to week 15 i experienced hyperemesis gravidarium. Bed rest ako whole duration. Almost 3 months ako naka sick leave sa office. Week 16 bumalik na energy ko and I was able to go back to work na din. Week 22, nag pa CAS ako, normal naman lahat and we found out that we'll be having a baby boy. ? Breech position pa si baby noon. Then week 36, cephalic na sya. Sa 1st baby ko, saktong 37 weeks sya lumabas via NSD so i thought ganon din sa 2nd baby namin but i was wrong. Iba iba talaga ang pagbubuntis. 9 yrs ang gap nila. Week 37 close pa din cervix ko. Nape- pressure na ako. Lakad ako ng lakad for 1 hr every day. Taking eveprim 3x a day, doing squats and household chores. Week39 and 5 days, 3:45am nag start ang contractions ko, it lasts for 1-2 mins with 4-10 mins intervals. Nag decide na ako na magpa admit since may admitting orders naman na ako from my OB. Pagka admit sakin 8:40am, 4cms na ako. I was already having an active labor. Sobrang sakit. Every 3 mins sya nag ko-contract. At 3:30pm, 8cms na ako so sabi ni OB mag push na ako. Nag 10cms ako at exactly 4pm so todo push na kami. With the help of 2 nurses and 1 jr. OB. Push kami ng push. We're really aiming for NSD. 4:45pm walang progress. Mataas pa din daw ang ulo ni baby at ayaw bumaba. Sabi ni OB hanggang 5pm lang kami pwede mag hintay. So we kept on trying pero wala talaga. Nakikita ko bumababa na ang heartbeat ni baby. From 150bpm down to 77bpm. OB decided to do a c-section. Ayoko talaga ma CS. Reasons: matagal ang recovery at ang mahal. Almost 150k ang quote samin ni OB sa CS. Iyak ako ng iyak. Nakikiusap ako na baka pwede pa kami maghintay kahit 30 mins. Pero naaawa na din ako sa anak ko. So CS it is. 5:50pm, baby boy is out. Double cord coil sa tummy at meron din sa neck. Kaya pala ayaw nya bumaba. Kaya pala every time na mag pupush kami, bumababa ang heart beat nya. Nasasakal sya. I cried. I was so selfish. Pero thankful ako kay Lord, sa OB at sa family ko kasi di nila kami pinabayaan ni baby. Buti na CS ako. Kung hindi, baka di ko na nakita ang anak ko. Sa mga mommies na takot ma CS. Normal feeling po yan. Pero hindi natin mako control ang mga mangyayari. So long as healthy si baby, go na tayo don. Don't risk the life of our babies just for our convenience. Sa mga malapit na manganak, kaya nyo yan. Super woman tayo! ????
Discharge
Hi mommies! Im currently 39w4d and may Brown discharge / spotting po ako. Tapos iba na din yung sakit ng puson ko at balakang. Sign ba to na malapit na ko mag labor? Although im still waiting for a bloody show to come out. Just wanna know so i can prep. ? Thank you! Sana makaraos na
Tummy
Hi po. Anyone here na naeexperience din na matigas ang tyan? Parang bloated at ang bigat. 22w6d pregnant po. Madalas ko kasi to maexperience. Just wanna know kung may same case ba dito. Thank you.
Hello Baby Boy!
???Can't wait to see you!
Movement
Good day, mommies! Normal lang po ba na sa may bandang puson ko pa lang nararamdaman ang movements ni baby? And parang pitik pitik pa lang po. I'm 18weeks preggy. Medyo worried lang kasi sobrang minimal lang ng movement na nafi-feel ko. ?
Sensitive Smell
Hi mga mommies! Ask ko lang po if sa 1st trimester lang po nae experience and sensitive smell? O whole duration po ng pregnancy? Thanks! Sobrang sensitive po kasi ngayong ng pang amoy ko. 12 weeks preganat. Ayoko ng smell ng ibang niluluto ko. Shampoo, toothpaste, cologne, dishwashing liquid etc.. Ang hirap.sumasama talaga pakiradam ko. :(
UTI
Hello po. Sa mga nagka UTI during pergnancy, sobrang sakit po ba talaga sa puson? Parang slight labor pain. Nawalala saglit tapos sasakit ulit. Ganon po kasi nafifeel ko since last night. Nagpa check up din po ako sa OB kanina. Sabi nya nga UTI. she gave me antibiotics. Curious lang po ako kasi nung di pa ko preggy, nag ka uti din ako pero di ganito kasakit. Thanks
Hangin
Im 10 weeks pregnant. Napansin ko po kasi kahit kakatapos ko lang kumain, yung feeling ko na parang walang laman agad yung sikmura ko and parang ang daming hangin. Naexperience nyo din po ba yon? If ever, may remedy po ba? Thanks
Vitamins
Ang daming nireseta sakin ng OB ko : Natalwiz Neurobion Heme Up FA Fish oil Purifol Calciday Relate ba mga momsh? Hehehe