OBs Advice

May share lang po pala ako, unang check up ko sobrang taas ng bp ko. Nagulat yung OB kase bat daw ganun nag 160/100 ako tas pina higa nya ako pinakalma pero 150 tas naging 140 yung bp ko. So, parang na dismaya sya kase nga baka magka preeclampsia ako. Sinabi nya lahat ng mangyayari pero yung di ko lang ma tanggap kase na sinabi nya, "kung pwede nga lang wag mo na e.continue pregnancy mo" alam ko naman that time na high risk ako pero sana naman tulungan nya ako para makaiwas sa pre e pero sinabihan pa nya ako ng ganun. ☹️ Lalo lang ako nag woworry dahil sa sinabi nya. Hay

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

34 weeks ako ngayon momsh kakacheck up ko lng nung isang araw bigla kasi tumaas bp ko nag 150/100 ako nung una tinanong ako ng OB ko gusto ko na daw ba mag paadmit? Sagot ko kung kayang wag po muna sana. Then ang ginawa nya tinurukan nya ko ng steroids para sa mabilisang full development ni baby tapos niresetahan nya ko ng methyldopa pangpababa ng dugo if naramdaman ko daw na sobrang sakit ng ulo ko at nagbu-blurred na vision ko need ko na itakbo sa hospital para maadmit. But thank God bumaba naman dugo ko😊 nag 118/67 ako kahapon. Much better paconsult ka na sa ibang OB kasi baka lalo tumaas bp mo dahil nasstress ka mommy.

Magbasa pa