Hello relatives

Share lang mga momsh .sarap lang sa pakiramdam na nasabi mo lahat ng saloobin mo tungkol sa mga relatives mo sa nanay mo .malaking pamilya kase yung sa side ng nanay ko 10 cla magkakapatid lahat cla maayos ang buhay,ung iba nsa ibang bansa na kasama ang lolo at lola ko. except samin dahil nakikitira lng kame sa bahay ng tita ko.at nakita ko kung paano nila tratuhin ang nanay ko.2nd c mama sa magkakapatid .pero ang tingin nila sa nanay ko parang minamaliit nila porket mahirap lng kme at cla mga nakaangat sa buhay.kung ikumpara kme ng mga kapatid ko sa mga pinsan namin parang kame yung mga inutil walang kwenta .palibhasa sila parang nagpapagalingan sa buhay para lang iplease ang mga tao at para magmuka silang magaling sa harap ng lolo at lola namin.lagi cnasabi nila lolo oh c ano(kame magkakapatid) anung trabaho?buti pa c ganyan bibili na ng bahay .kame kc ung tipong masaya na sa kung anu meron kame basta sama sama.may mga trabaho naman kme d nga lang kasing ganda ng trabaho ng mga pinsan namin.may lupa nadin naman hinuhulugan. Kaya madalas parang nakakailang makihalubilo sa knila lalo na pag may nga reunion or bday kc alam mo magyayabangan lng cla at kame mamaliitin 😔. Lagi ko sinasabi sa nanay ko na wag syang mainggit sa buhay ng mga kapatid nya dahil balang araw aangat din ang buhay namin pero hindi magiging tulad ng ugali nila .para kc clang mga plastik kung makipagusap samin .kht d nila sabihin ramdam naman namin yun .nakikisama nlng kme para lang sa nanay namin.😔ung kuya ko nag aapply ngaun abroad sana makaalis sya dahil sobrang hirap na ng buhay dto sa pinas laging lockdown

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po. same po tayo ng situation kasi yung nanay ko sumakabilang buhay na yung tatay ko naman hindi nakapagpundar kasi pala inom at pala sugal. kaming mga anak ang pinepressure at kinocompare. ako nakapagtapos sa university kinukumpara mga pinsan ko sa akin at di ako comfortable. inis ako, pero ganyan din ginagawa ko pinakikisamahan nalang. ipagdasal nalang po natin na mas maging malawak po pananaw natin at mas magpasalamat po tayo sa opportunities. sana po matuloy po kapatid niyo hindi para maiyabang na sa mga kamag anak pero dahil gusto ko po maexperience ng kuya niyo yung improvement sa buhay financially at emotinally. sana po maging blessed pa po kayo. only time will tell po yung intentions ng mga kamag anak natin, at we are free to disconnect kung sobra na sa panliliit.

Magbasa pa