No to cravings @35 weeks

Share kolang mga mommy. Ang paglilihi pala bumabalik yan at a certain time. Yung unang paglilihi ko was at my 4th month. Tapos saglit lang. Naglihi ako sa siopao, beef, at pork bbq. Di ako makapaniwala na at 35weeks babalik yung cravings pero this time dark chocolate at chocolate cake / butternut donut ang gustong gusto ko na diko talaga kinakain nung dipa ako buntis. Di talaga ako mahilig sa chocolate. Basta lahat ng cravings ko e mga favorite food ni husband. Isama mopa burgers at fries. So ayun kitang kita sa ultrasound yung epekto kay baby. 2600gms na sya ngayon which is on the heavy side daw. pasok pa naman daw sya sa weight for his age pero may kabigatan na nga. Dapat daw ang weight gain ng baby ay nasa 35gms per day. Si baby ko pumapalo ng 40gms per day. So balik diet ulit. Sabi ko kay baby sorry di ko sya mapapakain ng chocolates. Feeling ko naman nalungkot sya. Kase ako naiiyak e kailangan kolang magtiis para kay baby at para na rin iwas CS at mapababa BP ko. Yun lang thanks for reading. Sana may natutunan kayo.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same po tayo momsh😅 akala ko ako lang nag iisa pero meron pla akong katulad na di ko akalain babalik din ung mga paglilihi at this week of 35weeks to 36weeks from now 😂 gustong gusto ko din kumaen ng mga nabanggit mo kaya lang nung nakita ko ung utz ko for bps at 35weeks kay baby mga nsa 2745grms na sya bigat na nya pla 😅 kaya im on a diet now sna sumakto lng ang bigat nya at mainormal ko si baby. Pray lng po tau momshie 🙏💖

Magbasa pa
5y ago

Korek. Tulad ngayon gusto ko ng malamig na malamig na mountain dew. 😭