My Experience

Share ko lang yung experience ko habang naglelabor mga mommy. 38 weeks and 2 days nung nagpacheck up ako. Yun yung 1st Time na in-IE ako. That was 3pm and nagulat si midwife kase 2-3cm na. Sabi nya manganganak nako kundi that day baka tomorrow. Pinabili nya nako ng eveprim then pinainom nya agad sakin 2pcs. Namalengke pa kame tapos bumalik kami sakanya ng 5pm, IN-IE nya ko ulit at 3-4cm na. Pinasakan nya ko ng 4pcs sa loob ng pwerta ko. Then pinauwi nya pako tapos balik nalang daw ako paghumihilab na. Pinapakiramdaman ko naman, bagya lang sya humihilab. Pero inadmit nya nako sa lying in by 9pm. Pag IE sakin 4cm padin. Tapos di padin nahilab tyan ko. 12 am inulit ang pag iE ganun padin pero pinainom nya nako ng eveprim every 2hrs. 2am sinaksakan nako ng pampahilab kasi 7cm na pag IE sakin then from that time dna nawala yung sakit at hilab. Sobrang napapangiwi nako at talagang nangangatog pakiramdam ko habang naglelabor. Feeling ko babagsak nako kasi nanginginig at nanlalambot na mga hita at binti ko. Then pinasok nako sa delivery room ng lying in na pinuntahan ko, ang hirap umire since may pupu na malaki ako. Dapat mailabas ko muna yon. 4times nabitin yung pag ire ko kasi parang malalagot na hininga ko so i Held it back. Pang 5th na pag ire ko finally nakalabas na ang baby Boy ko. ?? sobrang sarap sa pakiramdam lalo nung narinig ko sya umingit. 3 times, hindi sya totally umiyak. He was 2.4kgs. At sobrang iba yung feeling mga Mommy. All the pain I had to go through are all worth it. ❤ He is truly a Blessing?

3 Replies

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles