βœ•

36 weeks and 3 days.

Share ko lang un experience ko since nakauwi na ako ng bahay at medyo humupa na un mga sakit ng konti. Nun 30 weeks ako, naconfine na ako dahil nagpreterm labor ako kaya ginawa ng ob ko lahat para pigilan lumabas ng premature si baby. At my 32nd week, 2cm na ako. Pagdating ng 34 weeks, 4cm dilated na un cervix ko. Ikoconfine sana ulit ako kasi malaki na un 4cm pero nagdecide ob ko na konting pigil pa at sobrang bed rest pa sa bahay. Last Sunday, pang 36 weeks at 3 days ko nun nagstart sumakit un tyan ko ng tanghali. Akala ko minor cramps lang kaya nakahiga lang ako, pagdating ng gabi napapasigaw na ako sa unan kasi sobrang sakit na ng puson ko kaya nagdecide na din ako magpunta ng ER. Pag ie sakin, 8cm na pala ako. Binigyan ako ng pampahilab tas tinawagan na nila un OB ko. 2 hrs nalang sana un hihintayin para mag fully dilated un cervix ko ng 10cm ng biglang bumabagsak un heartbeat ng baby ko kada nagkocontract ako. Hindi niya kinakaya sa loob kaya na emergency cs na ako. Dinala ako sa operating room kasi kailangan malabas agad si baby within 3hrs kasi possible na mag 50-50 kami pareho ni baby kasi humiwalay na din un placenta niya. Sobrang bilis ng nangyari. Wala pa atang 15mins nun narinig ko un iyak ni baby ko habang manhid na manhid un lower part ng katawan ko. Sobrang sarap sa pakiramdam marinig un iyak ni baby. 36 weeks and 3 days. Kulang pa ng ilang araw para mag full term ng 37 weeks si baby pero palaban un baby ko. Pagbalik sakin sa room, saglit lang binigay na din siya sakin at di na siya nagstay sa nursery. Ang daming pain pagtapos ma CS pero worth it naman lahat un pag nakikita mo un baby mo. Kaya congrats sa lahat ng mga mommies at goodluck sa mga fitire mommies. ?

104 Replies

Congrats mamsh...same tayo 30weeks nag preterm ako nag start lang sa nag lbm ako 4times ako bumalik balik sa cr yun pala 1cm dilated na,buti nag punta agad ako sa ob, confine ako pero naging ok nawala contractions ko after 2days.. Bedrest ako and pampakapit. 31,32,33,34weeks still 1cm dilated ako so continue lang sa meds and rest. Pagdating ng 35weeks umaga nakahiga lang ako hanggang hapon..pag bangon ko tumutulo na panubigan ko pumutok na pala...so takbo kame hosp..pag dating dun 6cm nako...ecs din ako kase breech pa si baby. Yun lang hindi ko sya narinig umiyak kase hindi sya umiyak agad. After 10mns pa. At tinakbo na agad sya sa isang room para dun paiyakin. Ngaun going 4mons na baby ko....pure breastfed unli and direct latch kame. Super healthy

So proud of you momsh ! Parehas tayo nung august 21 nanganak nako and 36weeks5days lang si baby , dapat kasi this sept 13 pa due date ko pero nung 21 pumutok na agad panubigan ko .. na induced ako ng 1pm something then at 2:59pm lumabas na baby ko via nsd normal delivery .. Thankfull ako kay god kasi di kami pinabayaan ni baby ko and proud ako sa little one ko dahil napaka strong nya , 2days lang kami sa hospital at nakauwi na kami

Congrats mamsh 😘 ako naman po 36 weeks and 5 days na may ininject papo sakin na pampa matured daw po ng baga ni baby , paglabas nya salamat kay lord at malakas ang baga nya nilagyan lang sya ng oxygen para di sya mapagod sa paghinga

Omg akoo din open cervix na ako pero sa loob daw naka y shape na ung cervix ko kaya bedrest din ako. As of now 30 weeks and 4 days na ako and sa friday check na ulit namin ung cervix ko kung humahaba ba or hindi ung opening.

my baby is also 36 weeks and 3days may leaking water kase ko pero yung skut nya pang 36 weeks lang pero yung placenta ko is grade 3 na pang full term na so happy at nailabs ko sya ng maayos . last may 21.

naka sched talga ko for cs. kase madumi na yung water nya. at konti nalang daw water pero thank god . kahit pano kinaya namin heheh congrats sayo mommy

Ganun din nangyari sakin ready ako for Normal delivery kaso bumabagsak heartbeat ni baby. True madaming pain physical and emotional pero worth it kapag nakita mo na si baby mo...

Oo parang doble yung pinagdaanan mo... God is good talaga.

VIP Member

Congrats momsh.. emergency cs dn ako pero full term na.. and yes mahirap ma cs pero worth it pag nakita na si baby.. 16hrs aq naglabor tas nauwe sa cs

Hirap nun naglabor ka na na cs ka pa. Haha ako iire nalang na cs pa. Thank you and congrats din sayo.

Congrats po ate arch.mich!πŸ˜†God is good talaga,di nya kayo pinabayaan ng baby mo.hehe soon to be mom na din po sa Feb 2020.πŸ˜‡πŸ˜‡

wow para tuloy nag reminisce ako kasi na emergency CS din ako 7cm na sana kaso cord coil c baby kaya bumagsak ang heart rate nya!congrats!

Yung naglabor ka na sis tas hihiwain ka din pala πŸ˜‚ thank you po.

VIP Member

Wow mommy... Thank God ok kyo parehas ni baby. Ang tapang nyo din po.. Congrats po sainyo. God bless po.. 😊

Thank you sissy. 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles