36 weeks and 3 days.

Share ko lang un experience ko since nakauwi na ako ng bahay at medyo humupa na un mga sakit ng konti. Nun 30 weeks ako, naconfine na ako dahil nagpreterm labor ako kaya ginawa ng ob ko lahat para pigilan lumabas ng premature si baby. At my 32nd week, 2cm na ako. Pagdating ng 34 weeks, 4cm dilated na un cervix ko. Ikoconfine sana ulit ako kasi malaki na un 4cm pero nagdecide ob ko na konting pigil pa at sobrang bed rest pa sa bahay. Last Sunday, pang 36 weeks at 3 days ko nun nagstart sumakit un tyan ko ng tanghali. Akala ko minor cramps lang kaya nakahiga lang ako, pagdating ng gabi napapasigaw na ako sa unan kasi sobrang sakit na ng puson ko kaya nagdecide na din ako magpunta ng ER. Pag ie sakin, 8cm na pala ako. Binigyan ako ng pampahilab tas tinawagan na nila un OB ko. 2 hrs nalang sana un hihintayin para mag fully dilated un cervix ko ng 10cm ng biglang bumabagsak un heartbeat ng baby ko kada nagkocontract ako. Hindi niya kinakaya sa loob kaya na emergency cs na ako. Dinala ako sa operating room kasi kailangan malabas agad si baby within 3hrs kasi possible na mag 50-50 kami pareho ni baby kasi humiwalay na din un placenta niya. Sobrang bilis ng nangyari. Wala pa atang 15mins nun narinig ko un iyak ni baby ko habang manhid na manhid un lower part ng katawan ko. Sobrang sarap sa pakiramdam marinig un iyak ni baby. 36 weeks and 3 days. Kulang pa ng ilang araw para mag full term ng 37 weeks si baby pero palaban un baby ko. Pagbalik sakin sa room, saglit lang binigay na din siya sakin at di na siya nagstay sa nursery. Ang daming pain pagtapos ma CS pero worth it naman lahat un pag nakikita mo un baby mo. Kaya congrats sa lahat ng mga mommies at goodluck sa mga fitire mommies. ?

36 weeks and 3 days.
104 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sis congrats na nganak na pla! :) isang bagong mgging hiker n sia in the future. hope youll recover soon mwah

6y ago

Yes sissy. Kulang sa weeks pa pero safe naman si baby. Haha Excited na kong dalhin siya sa bundok soon. Haha thank youuuu.

Congrats momsh. Lapit ndn po ako. Ano po mga signs na nalaman nyong nagppreterm labor n kayo? Ty!!

Congrats momshie...God is really good he take care both of you. God bless and congrats again.

Pareho tau na emergency CS kasi bumababa ang heart rtae ni baby 7cm na ako nun induced pa

VIP Member

Congratulations mommy. 36 weeks and a day here. Your baby is a tough little cookie. 😘

Congrats mommy! Thank God safe kayong dalawa. Medyo mahirap din napagdaanan nio.. 😊

congraтυlaтιonѕ мoммy 😊 aĸo dιn 36 weeĸѕ lg вaвy ĸo ..

wow! nanganak kana pla sissy! super congrats sau .. cute2x ni baby mo..

6y ago

Yes yes. Kayo din sis ni baby mo. Goodluck and Godbless. Kaya niyo ni baby yan! 😊

Congrats GOD is good tlg po ano naiyak aq s story nyo mam GOD BLESS US

VIP Member

Congratulations at nakaya nyu mamsh. God bless you and your little angel 🙂