Washable Cloth Diapers

Share ko lang 'tong binili ko sa Shopee recently. 'yung washable cloth diaper na sobrang laking tulong na maka less sa waste and specially sa gastos. Nakaka irita narin naman na kasi na tapon tayo ng tapon ng disposable diaper tapos bili pa ng bili. Bumili ako nito ng 7 pieces. Pero balak ko pang dagdagan soon just in case kulang. Kasi ito, magagamit na from newborn to 3 years old. And proven na rin na hindi siya nag li-leak talaga dahil sa double gusset niya and waterproof outer fabric. Madali lang din siyang hugasan. At hindi rin nakaka rashes kay baby dahil sa bamboo charcoal fabric inside. Depende nalang kung patatagalin niyo ng magdamag na suot ni baby. ? Nakakatuwa lang. Sana nakatulong ako sainyo na makatipid though, bibili parin ako ng disposable diapers pag may gala kami ni baby soon. ? Meron pang available nito sa shopee na walang prints at mas mura pa. Parang nasa mga 70 pesos per piece. Gusto ko lang talaga ng may print para cutie. Haha. Itong nabili ko. 143 pesos each. Tapos free shipping pa ngayon at may discounts pa pag marami binili. 20 weeks pregnant here. Road to being a minimalist tipid mom. ?? (Nasa photos po yung shop na nabilhan ko. Hinalughog ko na buong Shopee and Lazada. Mas mahal sa Lazada ng doble kumpara sa Shopee. Tsaka sa Shopee free shipping siya ngayon because of 10.10 kaya sinulit ko na talaga tsaka may discounts pa pag marami binili. Ito na talaga yung nahanap kong pinaka okay and at the same time. Murang mura.) ?

Washable Cloth Diapers
61 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

'Yan din ang plano ko momsh. Kaso, ayaw akong payagan ng mama ko kase baka magkarashes daw si baby. Kaya sabi ko, wala namang masama kung susubukan eh. Kung magkarashes man tsaka na lang paltan.

6y ago

Yes. Hehehe. True! Wise decision 'yan. Hehe. Malalaman niya rin soon yung kahalagahan ng washable cloth diapers. 💖 Ako, 2 weeks akong nag research dito at pinag isipan kung bibili ako. Pero after 2 weeks. Buong buo na loob ko. Ito na 'yung pinaka wise decision na nagawa ko so far for being a first time mom. Haha. At hinalughog ko talaga buong Shopee para mahanap yung pinaka best at pinaka mura. Ito na 'yun. Hehe.