Washable Cloth Diapers

Share ko lang 'tong binili ko sa Shopee recently. 'yung washable cloth diaper na sobrang laking tulong na maka less sa waste and specially sa gastos. Nakaka irita narin naman na kasi na tapon tayo ng tapon ng disposable diaper tapos bili pa ng bili. Bumili ako nito ng 7 pieces. Pero balak ko pang dagdagan soon just in case kulang. Kasi ito, magagamit na from newborn to 3 years old. And proven na rin na hindi siya nag li-leak talaga dahil sa double gusset niya and waterproof outer fabric. Madali lang din siyang hugasan. At hindi rin nakaka rashes kay baby dahil sa bamboo charcoal fabric inside. Depende nalang kung patatagalin niyo ng magdamag na suot ni baby. ? Nakakatuwa lang. Sana nakatulong ako sainyo na makatipid though, bibili parin ako ng disposable diapers pag may gala kami ni baby soon. ? Meron pang available nito sa shopee na walang prints at mas mura pa. Parang nasa mga 70 pesos per piece. Gusto ko lang talaga ng may print para cutie. Haha. Itong nabili ko. 143 pesos each. Tapos free shipping pa ngayon at may discounts pa pag marami binili. 20 weeks pregnant here. Road to being a minimalist tipid mom. ?? (Nasa photos po yung shop na nabilhan ko. Hinalughog ko na buong Shopee and Lazada. Mas mahal sa Lazada ng doble kumpara sa Shopee. Tsaka sa Shopee free shipping siya ngayon because of 10.10 kaya sinulit ko na talaga tsaka may discounts pa pag marami binili. Ito na talaga yung nahanap kong pinaka okay and at the same time. Murang mura.) ?

Washable Cloth Diapers
61 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy. Dapat may tagalaba ka niyan. Wag ka muna maglalaba kasi kapapanganak lang. Maganda po yan. Nagggnyan din po baby ko. Tipid na iwas rashes pa.

Madaming binili ganyan ate ko noon para sa pamangkin ko. Sabi nya bibigyan nya ako. Hahah. Malaking tipid yan tapos ang gaganda pa ng design 😁

5y ago

Meron pong pang new born na diaper mommy

VIP Member

sa panahon ngayon kelangan na ntin mging practical , dhil ang mamahal na ng mga bilihin , yan dn plano ko pgka panganak ko im 17 weeks preggy 😊

5y ago

True. Tsaka bukod sa practical. Iwas kalat pa. Hehe. No worries sa tagas pa.

Yup starting na dn ako mag cloth diaper. Ang bibilhin ko ung cloth cover para pwede ireuse ung cover the wholeday insert lang papalitan.

Thanks mommy sa info. Nag-iisip pa lang ako. May mga nakita kasi akong brand pero medyo mahal. Will check the store. 😊34w here. FTM

5y ago

Yess. Sa iba. Parang 3 pcs lang ata libo na agad yung presyo. Sa mall naman tinignan ko. 500 pesos per piece. Pero so far sa tagal kong ni research to. Itong shop na yo yung may pinaka okay na pagkaka tahi at quality talaga. Compare sa mall pa. Hehe. Check mo yung shop nila momsh.

Thanks for sharing. Would want to advocate minimalism and zero waste methods din as much as possible so this is a big help for me 😊

5y ago

True. πŸ’– Laking tulong ng payiging minimalist. Sobrang gaan sa mind. Less gastos, less kalat, less stress. Haha

bumili din aq nyan anim na piraso pa lang nabili q.. d pa nagagamit baby q mdyo malaki pa kc sa kanya kahit naka adjust na

5y ago

un nga din sana gusto q kaso wla time mglaba baby q lage naka dikit sakin hahahahahaha ayaw aq pakawalan ilapag q lang saglit panay iyak na.

VIP Member

I bought mine too sa shoppee yung charcoal 186 pesos may insert na and totoo d sya nag leleak ay cute mga designs.

Same sis. Sobrang laking tulong. Sa gabi ko lang ginagamitan ng diaper si baby. Pero sa araw cloth diaper sya.

5y ago

Agree. Hehehe. Nag ready din ako ng disposable diapers eh. Para sa hospital at sa night. Pero sa day mag washable din ako. Hehe. Pero pag labas ni baby pure disposable muna ako hanggang mag 1 month siguro kasi possible na maka 10 times na palit per day ano? Kasi ihi ng ihi.

Thanks for sharing momsh! Plano ko rin gumamit nyan soon paglabas ni baby. 😊 Penge pong link mamsh.

5y ago

Thank youu πŸ’—