hope na maging okay ang baby ko ?
Share ko lang story ko mga mommies, 5 yrs kaming nagsama ng Mr. Ko pero ngayon lang kami biniyayaan ng baby. 12 weeks pregnant nako and kahapon ng umaga dinugo ako take note ah wala man akong ginagawa sa bahay d ako nag ta trabaho palaging nakahiga as in wala, then nag pa check up ako sa ob ko and i find out na nalalaglag na yung baby ko ? nalungkot ako sa narinig ko sa ob ko na "jusko buti nalang buhay pa yung bata at ka agad kang nag pa check up" kung hindi mawawala yung little angel na matagal na naming hinihintay ni Mr. Niresetahan ako ng dalawang pampakapit tag 3 times a day. Ngayon ko lang na start inumin hope na sana tumalab agad at para mging okay na yung baby ko at makampante nako ? kaya sa mga katulad kong nasa first trimester palang wag po tayong papa stressed always think positive ? pray lang palagi ?
Total bedrest ka sis.. kung kaya mong wag magkikilos, wag muna. jan klang s higaan mo, buong araw at gabe.. Kung pede nga magdiaper ka muna e to avoid standing and walking lang.. Kaya lang kase sa panahon ngayon mahirap yung punas punas lang.. Nung nsa first trimester kse ako, malamig ang panahon, december, january mga ganyan.. Nag start n ako kumilos kilos 5mos na tiyan ko, pero ung kilos lang na kuha ng pgkaen s kusina pg wala mautusan, tas naliligo n dn ako every other day hahaha kse nung first trimester ko, as in pinupunasan lang ako ng mister ko, iihi, dudumi, ugas private part. un lang pinaka tayo ko.. Pag kakaen ako, hinahatiran ako pagkaen s kwarto kse ntatakot tlaga ako tumayo.. Pero never naman ako nag bleeding, sadyang natakot lang ako kase 2times na ako nakunan e.. Kaya sobrang ingat n ako ngayon s pangatlo ko.. Pinaka sandata ko dasal at si Lord :) 34weeks na kame ng baby ko, lapit lapit na din kame :) Still praying pa dn pra samin ni baby ko :) Basta mag doble ingat ka mommy, pra sa inyo ni baby :) Mahirap mag bedrest pero kung kailangan, gagawin tlaga para kay baby :) Ingat kayo ni baby mo sis 💋
Magbasa paPray ka lang momsh, wag ka pa stress at wag magbuhat ng mabigat. Dapat bedrest ka lang, wag muna mag sex kasi baka isa yan sa mga dahilan. Pag sensitive kasi ang pag buntis ng isang babae lalo na 1st trimester delikado po. Saka kung ano advice ni ob mo sundin mo lang. Same here twice ako nakunan sensitive rin kasi ako magbuntis. Panay sex pa kame ng Asawa ko nun Di ko kasi alam na sensitive pala ako saka bawal yun pag maselan ka. Heto ngayon 37weeks here mula nung nalaman namen na buntis ako no more sex na nangyari talagang tiniis ng Asawa ko. Gusto na rin kasi namen magkaroon ng anak talaga. Sabayan mo na rin ng dasal momsh, maging okay rin si baby mo. 🙏🙏🙏
Magbasa paSame here muntik na mawala si baby donya na nga ako sa bahay wala na akong ginagawa pero naging maselan pa rin ang pagbubuntis ko threatened miscarriage, risky talaga ang 1st trimester pero ngayon nasa 2nd trimester na kami ok na pero mas doble ingat na ngayon konting nararamdaman OB agad which is tama naman kasi mas ok ng praning kesa ibalewala kaya sunod mo lang payo ni OB magiging ok din kayo like us 20 weeks na kami.
Magbasa paMag bedrest ka po mamsh wag ka din magpakastress totally bedrest ka po tatayo ka lang pag kakain mas better kung may arinola ka para di kana maglalakad papuntang cr po. pupunta kalang cr pag maliligo or dudumi. Doble ingat po ganyan ako before awa ng Diyos 25 weeks na po ko now healty ang baby ko po 😊
Magbasa paako mamsh nilalagyan ko ng unan ung pwetan ko kc mababa ung baby ko tas dinudugo ako nung 9weeks ako naun 19 weeks n po ako medyo ok nmn n nakakaklos n ako pag nakakaramdam ako ng pagtigas ng tyan ko humihiga lng ako tas itataas ung pwetan,,bedrest k lng mamsh tas kusapin mo si baby tas pray po,,
pasalamat pdin tayo mommy kase naagapan mo... total bed rest ka lang muna.. wag magbubuhat ng mabigat kahit kapag kakain kahit dyan ka muna sa higaan bawal ka kase nakatayo at nakaupo ng matagal stay safe kau ni baby
on my first trimester di ko alam na pregnant ako and i was so stress that time nalaman ko nalang pregnant ako 4 months na thank God sa blessing na binigay niya dahil di ko man naalagan si baby kumapit pa din siya
Kausapin mo din si baby 👶 mamshie ako gnyan eh 8 weeks pregy plng ako but wala pa ako visit sa ob…. Very good kc un hubby q eh… kaya kinakausap ko nong si baby na kumapit lng sxa kay momi…
Continue bedrest lang mamsh kung nsa taas kwarto nyo sa baba na kau magstay. Like me pinagbawalan mag akyat baba sa hagdan. Pray lang always at be observant kung anong nraramdaman report agad kay OB.
Itaas nyo rin po yun paa nyo... Simula nung nalaman kong preggy ako nakataas na lagi paa ko pag nkahiga. Kaya high lying placenta an nakita sa ultrasound ko... Keep safe mommy...