Sama ng loob

Share ko lang.. since wala naman akong masabihan ng ganitong sama ng loob. Ayun nga, hindi naman ako masyado nakakakuha ng support sa mama ko kasi wala siya dito sa pinas. At tsaka disappointed pa siguro sakin yun kaya di na ko nagkkwento ng kalagayan ko. Haha Okay naman ako sa family ng husband ko, pero syempre nahihiya naman ako na magsabi sa kanila ng nararamdaman ko. Nakakausap ko lang palagi ay husband ko. Pero di din naman masyado nakaka emphatize yon at lalaki ??? Sa lola ko ako nung una sobrang natuwa kasi nung una kong binalita, di sya na disappoint. Natuwa pa siya. Akala ko sobrang supportive niya. Pero ngayon talaga, hindi ko inaakalang maririnig ko sa kanya mga sinabi niya. Ngayon ko lang naintindihan yung pagtatanong niya sa akin everytime na nag uusap kami kung tuloy ba daw pagbubuntis ko. Kanina ng tumawag siya, tumawag lang pala siya para tanungin kung "totoo ba daw na nagdadalang tao ako?!" Grabe! Di ko maintindihan saan niya nakuhang mag isip ng ganoon. Pinapakitaan ko lagi siya ng ultrasound ko. Sabi niya na baka daw di totoong buntis ako, baka iba lang daw ito. Kesyo may nagkwento daw sa kanya na tita ko na akala buntis pero may problema lang pala. Nakaka loka. Di ko matanggap yung ganoong klaseng pagdududa na iniisip niya. 4 na buwan na ang baby ko. Nahihirapan nga ako sa mga nararamdaman ko kasi wala akong nasasabihan. Akala ko pa naman todo support siya sakin. Pero bakit ganoon. Sakit lang kasi wala na nga ako masyadong maasahan. Family ko, nasa abroad ng lahat. Ako lang naiwan dito sa pinas. Ang lalayo naman ng family sa side ng mama ko. Sa side naman ng papa ko, di ko na kasundo. Matagal na matagal na. Tapos ganito pa. Di ko na lang alam kung saan ako sasandal ???

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo sila isipin ang isipin mo ang baby mo kase dinadala mo na ngayon yan. Isipin mo kung ano ang mkakabuti para sa baby mo, wag mo isipin kung ano yung mga sasabihin nila sayo at yung mga sasabihin pa nila sayo. Magbbago rin sila lahat pag nakita na nila ang baby mo. Gaya ng mother ko galit sya sa father ng baby ko and nung nagbubuntis ako wala pake nanay ko ni hnde nga nya tinanong kung ano gender ng baby ko.. pero nung nanganak na ko nakikipag agawan pa mother ko sa pagkuha sa baby ko lalo na pag umiiyak.

Magbasa pa
5y ago

Welcome😊